CASSANDRA’S POV:
As much as I dislike parties, being around my mother is the most irritating. The gown I was wearing featured silver Swarovski crystals, off-shoulders, and three-inch caterpillar slip-ons. My hair and make-up were done by one of the most well-known in the industry—Rhed Alcantara.
Pagpasok pa lang namin sa entrada ng party, sapat lang ang daloy ng musika. Hindi maingay at hindi rin mahina. It was calm. Pero hindi ako mapalagay, pakiramdam ko iba ang sinasabi ng mga salubong nilang ngiti sa amin. Especially for my mom. I felt uneasy considering her reputation, since I thought many people in our circle were hypocrites. Their smiles are contagious, but they are cursing us in the back of their minds.
Mahigpit ang hawak ni Mommy sa pulsuhan ko. Pakiramdam ko takot siyang takbuhan at lumayas ako sa party na ito. There is nothing more annoying than living in an area surrounded by people who are self-conceited and exhibit arrogance about their wealth, status in society, and power. Kasunod lang namin si Daddy, napatigil ito ng makita ang kaibigan niya. "Let go of my wrist, Mom!" I said in an angry and firm tone. Mahina lang ‘yon sapat lang na marinig niya. Ayokong gumawa ng eksena. It was my mom's role. “Tumigil ka, sumunod ka, kung ayaw mong ipahiya kita dito! You know me Cassandra!” Singhal niyang sagot sa akin. Parang sasabog na ang aking puso sa disgusto sa ina ko. Pero dahil kilala ko siya wala akong magawa kundi sumunod sa kanya. Alam ko kung ano ang kaya niyang gawin at ako pa rin ang talo sa bandang huli.
“Elizabeth! Is she your Cassandra now?” Tanong ng amiga ni Mommy. Pilit akong ngumiti. “Yes, Minerva the one and only! She's beautiful isn't she?” Pagmamayabang niyang sagot. “No doubt Elizabeth! Saan pa ba magmamanaya 'yan? Wait I will call my son. I think they are studying at one school,” maagap na sagot nito. "Come, son, I will introduce you to Cassandra and her mother," nagagalak niyang saad. That figure was very familiar to me. Nang tumingin ito, agad nawala ang smile sa mga labi at mata niya. Naging mailap ito.
“Cassandra meet my son, Christian.” Masayang pagpapakilala niya sa amin. Tumaas ang aking kilay at ngumisi sa kanya. Isang kalokohan ang pumasok sa isip ko. “Of course, I know your son Madam. I defeated him in every game we had. Hindi ba naubos ang allowances niya?” Sarkastikong tanong ko. Akala ko maiinis ang ina ni Christian pero tuwang-tuwa pa ata. “Really? He never mentioned that to me? How much the bet?” Pagsasakay ng nanay niya. “Barya lang po iyon Madam sa yaman niyo, hindi po ko mauubos iyon kahit araw-arawin pa namin ni Christian ang laro. Isa pa po katuwaan lang namin iyon, pampalipas oras, diba Chris?” dugtong ko. “Christian why don't we bet on your Ferrari? What do you say, Madam?" Pang-aasar ko sa kanya. Agad niya kaming tinalikuran at umalis. Good job Cassandra. Papuri ng demonyo sa utak ko. Iyon din ang pagkakataon kong makawala kay Mommy. “Excuse me Madam, sundan ko lang po ang anak niyo na-offend ko po ata ang inyong unico hijo.” Nilakipan ko iyon ng matamis ngiti para mas kumbinsido siya. “Go ahead hija, your Mom and I will catch up! Have fun darling!” Hinila niya si Mommy sa isang mesa. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang matalim na tingin ng aking ina. Palaban akong tumingin sa kaniya. I smirk para makabawi man lang kahit papaano. Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng nakakalokong ngisi. Alam kong kumukulo na ang dugo niya sa akin. Gusto kong palakpakan ang aking sarili. Siguro kung may award ako ngayon best actress na ako.
Hindi ko sinundan ang Christian na ‘yon, bagkus pumunta ako sa garden kung saan walang tao. Tahimik ang buong paligid. Malamig ang simoy ng hangin na yumayakap sa katawan ko. Umupo ako sa bench at tumingin sa kalangitan. Ang ganda ng mga bituin. They shine in the dark like diamonds. Everyone admires their unique beauty. “You are more beautiful than the stars in the sky,” I heard a baritone voice behind and compliment me. Kahit hindi ako lumingon kilalang-kilala ko ang may-ari ng boses na iyon. Dahil iisang lalaki lang ang may gano’n kalamyos na boses at nagpapabilis ng t***k sa aking puso.
“I appreciate your sugar-coated words, but no thanks!” I responded in a spiteful tone. “Siguro pinaglihi ka sa ampalaya no?” Pabirong tanong niya sabay upo sa tabi ko. Pero hindi ako natawa, sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang siya ng bahagya at tumingin sa kalangitan. Namamawis na ang kamay ko. Hindi na rin ako mapakali kahit may distansya sa pagitan naming dalawa. Sumandal siya at ibinuka niya ang kanang kamay sa sandalan. Gusto kong sumandal doon pero pinigilan ko ang aking sarili. Mabuti na lang at nakahalata siya at inalis niya ang braso roon. Pinagsiklop niya iyon sa itaas ng kanyang dibdib.
“Bitterness is a subjective sensation. It may be bitter for one person, but not for others,” sagot ko, makalipas ng ilang sandali. Tumawa siya ng bahagya. “That's right, and you are not bitter but a combination of the five senses in a human being.” Tumayo ito at umalis pabalik sa loob ng party. Naiwan akong tulala sa sinabi niya. Alam kong kakaiba ako pero really? Is he comparing my character in terms of five basic human senses? He’s joking right? Argh!
Bumalik ako sa party, kanya-kanyang grupo ng mga kilalang tao sa Alta Sociedad ang nakikita ko. Mga plastikang ngitian at batian. Lumapit ako kay Daddy, at kumapit sa braso niya. “Hija I was looking for you, where have you been?” Tanong ni Dad sa akin. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. “I was checking the party and roaming around! Here I am Dad, so what’s up?” Masiglang tanong ko. Pinisil ni Daddy ang aking ilong at napailing. “Son, this is Cassandra.” Hinila ng kausap ng Daddy ang lalaking nakatalikod sa amin. “My son Kalex, he’s building his empire in the telecom world at a very young age.” Pagbibida ng kausap ni Dad. Oh di siya na! Sigaw ng isip ko. Hindi ko sila kilala, base sa itsura noong Kalex mukhang napipilitan lang din itong dumalo sa ganitong pagtitipon, mas gusto nitong sa bar maglagi kaysa sa ganito ka boring na party.
“Cassandra.” Inumang ko ang aking kamay kahit na naiinis ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Tinanggap niya ‘yon at bahagyang pinisil. Nanlaki ang aking mga mata ng pilyo siyang ngumiti at kumindat sa akin. Agad kong hinila ang aking kamay mula rito.
Umayos ako ng tayo at magalang nagpapalam sa kanila. Mabuti na lang my Dad agreed. I was sixteen, and alcohol was not allowed for me. My mother does not care if I pass out from intoxication. She treats me almost differently than she would her own daughter.
“May I dance to the most beautiful woman tonight?” A couple of palms were placed in front of me. My gaze was drawn to the most handsome man who were offering me a dance. It caught me off guard on the spot. We were surrounded by people who were watching us. I suddenly found myself unable to think. Those ash-gray eyes were hopeful that I would accept his offer. I gazed at Christian. He appeared hopeful too. Out of nowhere, my father took my hand and led me to the center of the dance floor. He always saves me at just the right time. He always does.
Nakahinga ako ng maluwag. “Thank you, dad,” malambing kong saad sa kanya. “I understand what it is like to be in an awkward situation, sweetheart,” he responded and smiled at me. Naging payapa ang buong limang minutong kasayaw ang nag-iisang lalaking naging sandalan ko sa lahat ng pagkakataon.
“Sir, may I have the honor to dance with your daughter?" I heard that baritone voice again. Your persistence is indeed commendable. “What’s your name hijo?” My dad asked him. Hindi ko man lang alam ang pangalan niya. “Good evening sir, Rafael Drake Toledo sir at your service.” Yumukod siya tanda ng paggalang sa akin ama. Napangiti naman si Dad. Iniabot niya ang aking kamay kay Drake. Sa paglapat ng kamay niya sa akin parang may kung anong elektrisidad na dumadaloy sa buong himaymay ng aking katawan. Ang init ng palad niya na dumaiti sa likod parang may kung anong pumupukaw sa kaibuturan ko. Ang kulay abo niyang mga mata parang nababasa niya ang laman ng utak ko.
“So, may I know your name, Miss?" Malamyos niyang tanong. “Cass—Cassandra,” nauutal kong sagot. Kung hindi dim ang ilaw sigurado ako nagkulay kamatis ang aking mukha sa mga paningin niya. “Suits you very well. Did you know the meaning of Cassandra in Greek Mythology?” Napaisip ako, it never crossed my mind about the meaning of my name nor checked how my parents came up with it. Napakunot ang noo ko. “No.” Matabang kong sagot at umiwas ng tingin. Hindi ko kayang tagalan na salubungin ang kakaibang titig niya. Bahagya siyang tumawa. “Your name means that you shine and excel over men,” saad nito at ubos tamis na ngumiti. Lumabas ang maputi at pantay-pantay niyang mga ngipin na lalong nagpa-gwapo sa kanya. Juskolord! Is it possible that I am feeling insane at the moment? What was the point at which I began to be affected by someone else's wit or to admire their sense of humor?
Hindi na ako nakipag-usap sa Drake na iyon hanggang sa matapos ang sayaw namin. Nang matapos ang tugtugin iniwan ko siya at tumalikod ng hindi nagpapa-alam sa kanya. Agad akong kumuha ng maiinom dahil pakiramdam ko dekada akong hindi nakainom ng tubig. Walang tigil ang pag-rebolusyon ng aking puso. Tumingin ako sa aking pambisig na relo. It was past quarter after ten o'clock. Gusto ko nang umuwi. Tonight's event was not boring, but rather interesting. Hindi ko na rin nakita si Christian sa paligid. Tanaw ko sa hindi kalayuan ang lalaking may kahalikang babae. It was Kalex. Napailing na lang ako.
As my mother approached in my direction, gusto ng tumayo at lumipat sa mesa ni daddy. Hindi ko alam bakit ang bigat ng aking loob sa sarili kong ina. “Did you have fun Cassandra?” Hindi ako umimik ng tuluyan siyang umupo sa aking tabi. Hulas na rin ang make-up niya. Pero pulang-pula ang leeg niya hanggang sa gitnang dibdib nito. Napailing na lang ako at sarkastiko kong sinagot ang tanong niya. “Did you have a good time with someone else, Mom? While my father is just around the corner?” Puno ng pangungutya ang boses ko. Hindi ko mapigilan ang pag-aalsa ng dugo sa aking ulo. Hindi man lang niya inayos ang sarili niya bago lumapit at nakihalubilo sa akin. Wala na ba talaga siyang kahihiyan? Dito pa talaga siya nagsahik ng kalandian niya. For goodness sake!
“Watch your tone young lady, I'm still your mother!” Madiing bwelta niya sa akin. “May choice ba ako? Kung pwede lang buharin kayo sa birth certificate matagal ko nang ginawa.” Diga kong sagot. Biglang naging halimaw ang mukha niya sa akin. “Bastos kang bata ka! Hindi kita pinalaki para sagot-sagutin mo ako ng ganyan!” Mahina ang boses nito pero may talim sa bawat salita niya. “You’re right mother, hindi naman talaga kayo ang nagpalaki sa akin, para nga lang akong aso, iniluwal niyo nga ako at pina-alagaan kay Yaya Seding diba? Wala akong may natatandaan na naging mabuting ina kayo sa akin! You were never there all those times! Don't you dare claim that job! It wasn't yours in the first place” I walked out, never waited for an answer from her...
***