III.

2157 Words
CHAPTER THREE Natapos ang klase ni Sapphire ng hindi nakikita ni anino ni Kent.  "Psst!" Whoever that is, he got some guts. Sa lahat ng ayaw niya ay ang sinisitsitan.  "Pst!" Fuck that. Whoever that ass--- "What the?! Bakit ganyan itsura mo?" Gulat na tanong ni Sapphire pagkakita sa hitsura Kent. Para itong pulubing ewan sa dumi nito. "May nagtatangkang pumatay sa'kin. Nang mapansin kong may sumusunod sa likuran ko, tumakbo ako. Tapos may nakita akong mga nakatambak na basura, dun ko naisipang magtago. Hindi ko alam na may kanal pala dun sa pinagtataguan ko, kaya nahulog ako. Ang baho ko na nga, oh!" Kahit siya ay diring-diri sa hitsura nito.  Tinakpan niya ang ilong niya. "Get away from me! You stinks!" Lalong umasim ang mukha nito ng biglang may naalala si Sapphire. "Teka nga muna, di'ba gangster ka, bakit hindi mo nilabanan yung humahabol sayo?" Nagtatakang tanong niya rito. "Lugi ako. Alam kong marami sila at mga armado. Isang putok lang ng baril sa'kin, patay ako." Nagkamot ito ng batok. Bakas sa mukha nito ang matinding pagod. "Ahh, kaya pala hindi kita nakita kanina sa campus." "A-ah, eh, pwedeng f-favor?" Nahihiyang tanong ni Kent. "Ano yun?" "Pwedeng paligo ako sa bahay mo? Baka may nag-aantay sa labas ng bahay ko at dun pa ko matuluyan." "Whatever. Hop in." Kibit balikat na sagot ni Sapphire. Sumakay na siya sa Big Bike niya. "Ayos lang ba kahit mabaho ako?" Nag-aalangang tanong pa ni Kent sa kanya. "Bilisan mo at baka magbago pa isip ko." Umangkas na rin ito. "Pwedeng pahawak sa bewang mo? Hindi ako sanay sumakay sa motor, eh." "Suit yourself." Pagkahawak nito sa bewang niya ay umalis na sila roon.   At Sapphire’s Condominium "Nasa gilid ang CR, maligo ka na. Ito towel na gamitin mo." Hinagis niya kay Kent yung bagong towel. "Pinatong ko na din sa sofa yung mga damit mo." Pahabol niya rito bago ito pumasok sa CR. "Salamat!" Sagot pa nito at nagmamadaling maligo. Pumunta siya sa kusina para magluto. Hindi niyo pa alam pero specialty niya rin ang pagluluto, pangalawa sa pagsasayaw. Kung marunong kayo magbasa, nabanggit na niyang she excels everything. Everything means lahat kaya niyang gawin. Kuha niyo? Hindi niya alam kung saan siya natuto, pero she instictively love cooking. Kung may instinct man ang pagluluto, siya na iyon. May laman ng appliances kahit papaano yung condo niya. Hindi pa siya nakakapaglaan ng oras para ayusin ang buong yunit. Duh. Ikaw kaya? Anyway, nagprepped na siya ng mga kakailanganin niya at sinimulan magluto. Pagkaraan ng ilang minuto, tapos na maligo yung kumag. Lumabas na ito at pumunta sa kwarto bitbit ang damit na nasa sofa para magbihis. Naghain na siya at inantay matapos magbihis si Kent bago kumain. Masyado bang mabilis? Wala kang pake. To be honest, marunong siya sa mga gawaing-bahay kahit anak-mayaman siya. Anong tingin niyo sa kanya, feeling pasusyal at b***h tulad ng ibang anak-mayaman? b***h siguro pwede pa. "Wow, marunong ka pa lang magluto." Umupo na ito at nagsimulang kumain. "Ang dami pang satsat, kakain din naman. " Asik niya rito. Ang mga damit na suot ni Kent ngayon ay binili niya pa sa dinaanan nilang store kanina. Siya pa inutusan ng gago para bumili. "Hahaha! By the way, ang sarap ng pagkakaluto mo sa pasta. Walang laban sayo ang mga sikat na restaurant. Pwede bang dito na ko tumira?" "Hindi ako nakikipagbiruan sayo, bilisan mo diyan at umuwi ka na." Pagtataray ni Sapphire rito. "Sungiiiittttt!" Nagpout pa ang gago. Maya maya ay sumeryoso na ito. "May tanong ako. Sagutin mo ah." Saad ni Kent. Tiningnan lang niya ito. "Ikaw si Black Princess, di'ba?" Hindi na siya nagulat. Tutal, hindi naman niya tinatago iyon. "Oo, may problema ka ba don?" "Napagdesisyunan mo na bang gumawa ng sariling gang?" Oo nga pala. Nawala sa isip niya ang tungkol doon. "Sort of. Parang exciting. Sige, pumapayag na ko. How about, The Demonic Gang ang pangalan natin?" Demonyo kasi siya kaya demonic. Huwag ka na pumalag. Ngumiti si Kent. "Akala ko mahihirapan akong papayagin kang gumawa ng sariling gang. Sure, mysterious at nakakatakot ang dating nung name." Saad nito. "Ano bang dahilan at gusto mong gumawa ng sariling gang?" Curious na tanong ni Sapphire. "Gusto ko lang matupad ang hiling ng kapatid ko na makagawa kami ng isang gang. Hindi na namin nagawa iyon dahil namatay siya." Lumungkot ang aura nito. "Kung nasaan man ang kapatid mo ngayon, masaya na siya dahil natupad mo na ang matagal na niyang hiling." Simpleng pagcheer up niya rito. Ngumiti na ulit ito. "Salamat, ha. Sige, una na ko. Salamat ulit, lalo na sa dinner." "May bayad yan. Wala ng libre sa mundo. Hangin na lang at polluted pa." "Sa susunod ko na bayaran, pwede?" Saad ni Kent habang nagpapacute. “Hindi ka cute kaya lumayas ka na." Pagtataboy niya rito. "Sungit. Bye. Thank you ulit!" Pagkaalis nito, nagbihis na siya at natulog.   2 Months Later   Kinikilala na ngayon ang The Demonic Gang sa buong mundo. Walang tao na hindi nakakakilala sa mga ito lalo na sa mundo ng mga gangsters. Marami ang mga nagtatangkang sumali sa naturingang gang at ngayon ay nag-anunsiyo ang Black Princess na pumunta sa Astrodome GT ang mga nais sumali.   Astrodome GT   Isang anunsiyo galing kay Sapphire ay napuno ang GT. Nandito na rin siya at si Kent sa loob ng arena. Obviously, silang dalawa pa rin ang natatanging miyembro ng binuo nilang gang. Nagtataka ba kayo kung paano sila naging sikat sa buong mundo? Ang kailangan lang nilang gawin ay ipakita ang lakas nila sa bawat laban na sasalihan nila. It is about the power, their strength as an individual. Angal pa? Malakas sila, ganun talaga. Nagsasawa na si Sapphire na makasalubong ng mga taong nagmamakaawang sumali sa gang niya at dahil napuno na siya ay pagbibigyan na niya ang mga ito. Marami ring mga gangsters na galing pang ibang bansa. See, ganun siya kalakas. "I'm giving all of you a test. The first one is.." Panimula niya. Tiningnan niya ang mga ito and someone caught her attention. "The girl with the bonnet and eyeglasses, kill the boy beside you." Maraming nagulat sa sinabi niya. Pati yung babaeng tinuro niya. "W-what?! Are you kidding me?" "I'm dead serious here. It's part of being a gangster, right? Now, kill him." Naging blangko ang ekspresyon nito. "If you won't kill him, he'll kill you." Kinalabit siya ni Kent na nasa tabi niya lang. "Hey, are you serious?!" galit na bulong nito sa kanya. Hindi niya pinansin ito. "Give her a knife." May nagbigay sa babae ng balisong. Hinawakan lang nito iyon at tiningnan siya. "If killing someone will be the standards to join in your f*****g gang, then I WON'T DO IT!" Binitawan na nito ang balisong at naglakad palayo. "Sheez! She wasted her opportunity! Kung ako yun, pinatay ko na lng yung lalaking iyon." "Yeah right, masyado siyang nagbabait-baitan!" Marami siyang narinig na bulong-bulungan. She smiled. "Job well done. You've pass. You are now officially a member of TDG." Maraming napasinghap. "What the?! Are you f*****g kidding us, Black Princess? How come she passed the test when she doesn't even follow what you've said!" "Shut up or I'll be the one who’ll kill you!" asik niya sa lalaking nagtangkang pagtaasan siya ng boses. Tumahimik naman silang lahat. "The first test is to see how your brain works. Hindi niya pinangunahan ang kagustuhan niyang makasama sa grupo ko. Mas ninais pa niyang huwag na lang mapasama sa TDG kesa pumatay para lang makasali siya sa'min. That is the reason why she passed the test. Also, for your f*****g information, we don't kill. We fight fair and square without involving murder." Madiin na giit niya sa mga tangang gangsters na ito. "Totally opposite of you, assholes." Pahabol pa niya rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makarecover yung babae. Nasa tabi na ito ngayon ni Kent. "What's your name?" "C-callie, Callie Marie Estella." Tumango-tango siya. "Now, maghanap kayo ng kapareha niyo." Nagkanya-kanyang hanap naman ang mga ito ng partners. "Ayoko ng magulo kaya mag-pick kayo up to 5." Narinig niyang tumawa si Kent. "Shut up!" Lalong lumakas ang tawa nito. Napansin niyang marami na rin ang naiirita sa mga pinaggagagawa nila. "Any complaints? Kung may mga reklamo kayo, feel free to fight me." Hamon ni Sapphire sa mga ito. "Okay, then. Ang mga natalo, sila ang pasado sa second test.” "WHAAAT! Bakit sila? Di'ba dapat ang mga nanalo ang mga pasok?!" Narinig niyang sigaw ng isang babaeng gangster. Another fyi para sa inyo, may mga babaeng gangsters din ang kasali pero mas marami pa rin ang bilang ng mga lalaki. Nagsi-ayunan ang mga kasamahan nitong nanalo. "Oo nga! Anong kalokohan ito, putangina mo naman!" Nagpanting ang tenga niya sa sigaw ng isang gangster. Hinanap niya kung saan nanggaling ang boses nito at ng makita ay lumapit siya rito. Tumatabi ang mga tao sa dinaraanan niya. Gets mo? Presensya pa lang niya ay aatras na sila. Nang makalapit siya sa taong minura siya, hinawakan niya ng isang kamay ang T-shirt nito. Malaking lalaki ito pero wala itong binatbat sa kanya. Nakita niya ang takot rito. Tinitigan niya ito habang nanlilisik ang mga mata. "Minura mo ba ako?" kalmado pero madiin niyang tanong rito. "P-pasensiya na B-Black Princess. H-hindi k-ko sinasadya." Nanginginig sa takot na sabi nito. "Ang lakas ng loob mong murahin ako. Ang sabi ko, hindi ako pumapatay pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko kayang iparanas sayo ang mag-agaw buhay.” Binitawan na niya ito at tumalikod. Hindi nito alam pero nakita niya itong ngumisi. Maglalakad na siya pabalik ng makita niya sa peripheral vision niya na naglabas ito ng balisong. Bago pa ito makalapit, nilabas niya ang Colt Python 357 Gun niya at tinutok rito. Maraming nanlaki ang mga mata dahil hindi akalaing marunong siyang humawak ng baril. Sa totoo lang, kamao lang ang pinanlalaban niya pero ang hindi alam ng karamihan ay asintado siya sa paggamit ang baril. "One wrong move, you are dead." Nabitawan nito ang balisong na hawak. Bago siya umalis, binaril niya ang kanang braso nito. Sinigurado niyang walang ibang masasaktan sa ginawa niya. "Argghhhhhh!" Hiyaw nito sa sakit. "Oh, I'm sorry. I accidentally pulled the trigger." Saad ni Sapphire at bumalik sa pwesto niya kanina. "Don’t you try to mess up with me.” "Ngayon, lahat ng natalo, ito ang third test. Nakikita niyo ba ang 5 boteng iyon na nasa dulo?" Tumango ang mga ito. "Alam kong may ideya na kayo sa gagawin niyo. Gamitin niyo itong baril na ito at saka asintahin ang bote. Isang bala lang ang gagamitin niyo. Kaya galingan niyo." Inabot niya sa unang susubok ang baril niya. Nasa 60 na katao ang mga nakasali sa third test. Unang-una pa lang, sablay na. Hanggang sa tatlo na lang ang natitira. Naasinta nito ang isang bote. "WOAAAHHH!" sigaw ng mga nanunuod. Lahat ay gulat na gulat dahil naasinta nito ang napakalayong bote. "Good job. You’re in." Lalaki ang nakaasinta ng bote. Gwapo? Tingnan niyo na lang. Hindi naasinta ng dalawang natitira pa ang mga bote. Kinuha na niya ang baril at nilagyan ng apat na bala. At saka sunod-sunod na pinaputukan ang mga bote. *Bang* *Bang* *Bang* *Bang* Gulat na gulat ang mga nanunuod. Hindi na niya pinansin ang mga ito. "I guess, isa lang ulit ang nakapasa sa third test." Tiningnan niya ito. "Name?" "Xyne Vinz Red." Ngayon lang niya napansin na may lahing banyaga ito. Ang kinis ng balat, parang hindi pa nasusugatan. "For the losers in the previous tests and also the final test." Nag-stretch siya ng katawan. "Fight with ME. I have standards here, Kapag nagawa niyo, pasok na kayo." Nagsuot siya ng gloves at nilagay na niya ang headset niya. "Let's START." Sa huling test, nasa-30 na katao lang ang mga sumali. She is dancing gracefully habang iniiwasan ang mga suntok ng mga ito. Kahit magsabay-sabay pa ang mga ito, ni isang dikit sa kanya ay hindi nila magawa. Pagkaraan ng ilang sandali, nakikipagpalitan na rin siya ng mga suntok. Yung ibang mga duwag ay naglabas ng mga balisong. She smirked, mga mandurugas. Yung isang gangster, nagsalita. "Wala ka namang sinabing bawal ito, di'ba Black Princess?" Ngumisi pa ang gago. She shrugged her shoulders at nagsimula na ulit siyang paulanan ito ng mga suntok at sipa. Kahit anong gawin nila, sila lang ang masasaktan. Nandadaya na lahat, hindi pa nila nilubos-lubos. Pagkaraan ng ilang minuto, nakadapa na ang mga ito ng mapansin niyang may natitira pang isa. Nakatayo lang ito at parang hinintay na maubos muna ang mga duwag. Lumapit ito sa kanya. "Let's have a one on one, Black Princess." "Go." Pumuwesto na ulit siya para labanan ito. Nainip na siya dahil parang hinihintay nito na siya ang unang umatake. Siya na ang unang sumugod. Sa gulat niya ay nahawakan nito ang kamao niya at mabilisang pinulupot ang kamay niya patalikod. So yeah, siya ang natalo dahil nadikitan siya nito. Pagod na rin siya kaya nagawa nitong makalapit sa kanya. Anong tingin mo sa'kin, papatalo? Think again. "You've passed." Binitawan na siya nito. "Name?" "Blaze Nash Harris." "For the last test, simple lang ang standards na sinasabi ko kanina. Kung sino man ang makahawak sa'kin, kahit daplis lang ay agad na kasali sa TDG. Well, kung sumali kayo lahat, siguro nahawakan niyo na ako." She smirked. "Well, then. Ciao." Tiningnan niya ang tatlong bagong member ng TDG. "May sasakyan ba kayo?" Tumango sina Blaze at Xyne. Tiningnan niya si Callie. Umiling lang ito. "Okay, sumabay ka na lang kay Kent. Pupunta tayo sa Head Quarters ng TDG." Sumakay na siya sa Big Bike niya at naunang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD