Chapter 21

1792 Words
CHAPTER 21 Inaantok-antok pa ako habang naglalakad sa hallway ng BHO. Natulog kasi ako ng hapon at pinabayaan ko na si Wynd sa paggawa nng motorbike. May binigay na lang ako sa kaniya na maliit na notebook kung saan sinulat ko ang mga pwede niyang gawin. Naghihikab na pumunta ako sa dining hall para kumain, kanina pa kumukulo ang tiyan ko sa gutom. Matagal din kasi akong nakatulog. Napakunot ang noo ko ng makarating ako sa dining hall at nabangga ako ni Wynd na nagmamadaling makaalis. Napatingin siya sakin at ngumiti. "Hi there sleepy head." Nakangiting bati ni Wynd "Saan ka pupunta?" "Nagtext kasi si Eilleen-" nagkibit-balikat ako at tumuloy na ako sa paglalakad. Iyong pinsan niya, baka may problema na naman. Anyway tapos na naman ang issue doon since alam ko na naman na magpinsan sila. Hindi ko lang maiwasan mailing since alam ko ang kuwento ni Tita Kat about sa nanay ni Eilleen. Iyong Claire, parang nakakailang lang kung makikita ko ang anak niya. Baka kasi kaugali niya ang nanay niya, which is a possibility. Napalingon ako kay Wynd ng bigla niya akong hinawakan. Hinila niya ako at kumuha siya ng soda at sandwich pagkatapos ay hawak-hawak na hinila na niya ako paalis sa dining hall. "Saan tayo pupunta?" "Isasama kita." "What? I dont want to-" "Please? Please, please?" napabuntong hininga ako. Kung hindi lang ang cute niyang tignan ngayon na kasalukuyang gumagawa ng sarili niyang version ng puppy dog eyes nunca na sumama ako sa kaniya. Una ayokong makita si Eilleen, pangalawa tinatamad ako. Tinignan ko yung reflection ko sa nadaanan naming kotse sa parking lot, at nagkibit-balikat lang ako ng makita ko na gulo-gulo ang buhok ko at nakasuot na naman ako ng maluwag na t-shirt at jeans. Pagkakaiba lang wala ang bullcap ko. Pumasok na kami ni Wynd sa kotse niya. Napatingin ako sa kaniya ng bigla siyang yumuko at hinigit ang seatbelt ko. Bumalik na siya sa pagkakaupo niya, pagkaraan ay pinaandar na niya ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas habang kumakagat na ako sa sandwich ko. Nilingon ko si Wynd na tahimik na nagda-drive at inumang ko sa tapat ng bibig niya ang sandwich. Nakangiti na tumingin siya sakin pagkatapos ay kumagat sa sandwich ko. T hat lips, kissable lips, I can almost feel it touching my skin. And his tongue that flicked fast on his lower lip, I can feel it in different parts of my body, pleasuring me. Making me hot all over. .and- "Eyes on the road Wynd." Paalala ko sa kanya. Tumawa lang siya at ibinalik na niya ang paningin sa harapan namin. Napakunot yung noo ko ng binuksan ni Wynd ang radio at may tumugtog na hindi ko alam kung ano, basta may certain charm lang ang kanta. Or maybe, kasi parang ginawa para samin. Ay ewan. “I love when you tell me that I'm pretty when I just wake up And I love how you tease me when I'm moody, but it's never too much I'm falling fast, but the truth is I'm not scared at all. You climbed my walls.” Napatawa ako ng sinabayan pa ni Wynd. Ang sakit sa ulo ng boses niya pero nakakapagtakang hindi ako naiinis katulad kapag boses ni Ice ang pinakikinggan ko. "Stop singing." "Ang ganda nga ng boses ko eh." tinawanan ko lang siya dahilan para magpout siya. Nakangiting napapailing na lang ako at tumingin ulit sa labas ng bintana habang pinapakinggan ko ang almost screamo version ni Wynd ng kanta ni Lady Antebellum na Can’t Take My Eyes Off You. I found myself humming, nilingon ko siya at kinindatan niya lang ako dahilan para mamula ang mukha ko. Nang makarating kami doon sa bahay kung saan sinundan ko si Wynd noon, bababa na sana ako pero pinigilan ako ni Wynd. Pinagbukas niya ako ng pintuan. "Para kang sira, I can open my own door." "Para sweet." napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Alam kong weird si Wynd, but he's getting weirder everyday. Hinawakan niya ako sa siko at iginaya ako papasok, dire-diretso kami sa loob at naabutan namin si Eilleen na kasalukuyang nakadapa sa sofa at umiiyak. Katulad pa rin noong huli ko siyang nakita. "Leen?" nag-angat siya ng tingin at napatingin siya kay Wynd. Then tumingin siya sakin, napataas yung kilay ko ng bigla siyang umupo at sumimangot. Uh, oh. Mukhang may pinagmanahan sa nanay niya- "Wynd, bakit mo naman siya dinala dito?" nakasimangot na tanong Eilleen. Abat! Pigilan niyo ko sasapakin ko to. "Kasi-" "Nakakahiya naman nakita pa niya ako sa gantong ayos. Pasensiya na ha, gusto mo ba ng coffee? Juice? Oy wynd, wala ba akong pasalubong?" nagkamot sa ulo si Wynd at umiling. Sumimangot na naman si Eilleen, tapos humarap siya sakin at bahagyang ngumiti. Parang hindi siya makangiti ng tuluyan, parang malungkot din ang mga mata niya. Infairness parang biglang nawala ang pagkailang ko sa kaniya. Hinila na ako ni Wynd paupo sa loveseat sa gilid. Tinaasan ni Eilleen ng kilay si Wynd at naalala ko bigla ang pinag-usapan nila noon, na sinabi ni Wynd sa kaniya ang totoong set-up namin. Tumingin ako kay Wynd at mukhang naiintindihan niya ang sinasabi ng mga mata ko. "Don’t worry hindi magsasalita yan." Pagbibigay assurance sakin ni Wynd. Ngumiti si Eilleen sakin, si Wynd naman yumuko at may binulong sakin. "Hindi niya alam ang tungkol satin, sa trabaho natin." nginitian ko lang siya. Now I understand everything, ang hindi ko lang alam kung bakit siya umiiyak noon at pati na ngayon. Para kasing ang laki ng problema niya/ Nakatingin si Eilleen sa magkahawak naming kamay ni Wynd. At parang bigla siyang nalungkot. "Nagtataka ka siguro, well since mukhang head over heels sayo ‘tong si Wynd kaya sasabihin ko na din sayo. Kamamatay lang kasi ng boyfriend ko, yung nanay ko naman ayun kung saan-saan nagpupuntang bansa. And of course naiwan na naman ako, kaya medyo natakot ako noon na pati si Wynd mawala. But It’s okay, I think I'll be okay." Naaawa ako sa kaniya. Parang pinipilit pa rin niya ang sarili niyang ngumiti kahit hindi niya na kaya. Pakiramdam ko nga konting luha na lang ang kaya niyang ilabas. Sobra na kasing namamaga ang mga mata niya. Nagpaalam ako saglit na maglalakad-lakad. Hinayaan ko muna silang mag-usap, after a few minutes lumabas na silang dalawa ng bahay at nagpaalam na kami ni Wynd sa kaniya. Sumakay na kami sa sasakyan at umalis. "Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Wynd pagkasakay namin sa sasakyan. "Mag Enchanted Kingdom tayo-" "NO WAY!" natawa siya. Sa itsura ko naman na ito na wala pang suklay hindi pa naman ganoon kakapal ang mukha ko para pumunta sa Enchanted Kingdom ng ganito. "Eh di, magdi-dinner na lang tayo." "Fine, Jollibee?" "No." "Mcdo?" "No." "KFC?" "No."  bakit kasi hindi na lang sabihin sakin kung saan para hindi ako nanghuhula no? Tinignan ko siya ng matalim at tumawa na naman siya. Hindi kaya kabagan si Wynd sa ginagawa niya? "Saan nga?" naiirita nang tanong ko. "Ang hot naman nito. We can put that hotness later into good use. Anyway, we'll go to Aubergine." napatili ako. No, no! Ayoko ngang pumunta doon. Fine dining restaurant iyon at kamusta naman ang itsura ko? Mukha akong walang pambayad. "Wynd, Jollibee na lang." "I want Aubergine, nasarapan ako ng kumain kami nila Wynter doon dati. Please?" "Look at me, baka hindi ako papasukin doon." "It depends on who you know. Don’t worry papapasukin ka doon. At ano bang problema sa suot mo? As far as I can see, you're the most beautiful woman on the planet besides my Mom and my Sister." nginitian ko siya ng alanganin. Hindi ko talaga alam kung papapasukin ako doon. Fine dining restaurant yon sa Forth Bonifacio, good luck na lang sakin talaga. At saka ang sagwa talaga ng itsura ko.  Nakakita ako ng suklay at sinuklay ko na lang ang buhok ko. Tinignan ko ang sarili ko, masyadong maluwang ang damit ko. Para akong galing sa paglalaba at may mantsa pa ng chocolate yon na hindi na natanggal. Tinignan ko ang pangloob ko, may tank top naman ako na suot sa loob. Iyon lang naman kasi ang suot ko ng natulog ako dahil mainit pa noon, ang kaso nilamig ako pagkaraan kaya kumuha ako ng t-shirt. Napangiti ako ng may makita akong jacket sa backseat, of course maluwag iyon pero pwede na since parang ginantsilyo iyon at pwedeng sabihin na style lang. Kinuha ko iyon at umayos ako sa pagkakaupo ko, hinubad ko ‘ang t-shirt ko at narinig ko si Wind na napasinghap. Pinatong ko na ang knitted jacket. As for my face wala na talagang pag-asa dahil una wala akong dalang make-up, pangalawa tinatamad akong maglagay, at pangatlo hindi pa ako ganoon kasanay kaya matatagalan ako. So pwede na ‘to. Nang makarating kami doon at pumasok sa loob ay pinagtitinginan kami, umatras ako at bahagyang magtatago sana kay Wynd kaso nagbago ang isip ko. Ano namang pakialam ko sa iisipin nila? Kaniya-kaniya lang yan. I walked more confidently beside Wynd at naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko, iginaya niya ako sa isang table at umupo na kami. Lumapit naman samin kaagad ang waitress at binigyan kami ng menu . Narinig ko si Wynd na nag-order na ng para sa kaniya. Kumunot ang noo ko ng makita kong tinaasan ako ng kilay ng waitress. "Want me to read it for you Ma'am? This is-" "No thanks, I can read perfectly. Marriage of beef and see bass and please don’t put too much Sauce Béarnaise." I smile at her smugly. Napahiyang nagmamadaling umalis siya. Anong akala niya sakin hindi marunong magbasa? Minsan talaga ang mga tao nagta-trabaho lang sa magandang restaurant at nakasuot ng maganda akala mo na kung sinong mayaman. Duh? "Relax." Pagpapakalma sakin ni Wynd "Pasalamat siya babae siya kung hindi binugbog ko na siya." napapailing na hinawakan ni Wynd ang kamay ko. After a few minutes dumating na ang mga pagkain namin, tahimik na kumain kami. Napapatingin ako kay Wynd dahil kanina pa siya naglulumikot sa kinauupuan niya. "You okay?" "Y-Yeh.." Ano bang problema ng lalaking to? Namumula ang mukha niya at pakiramdam ko sasabog na siya sa kung anong dahilan. Maanghang ba ang kinakain niya? Mukhang hindi naman ah. "Autumn." "Yes?" "WILL YOU PLEASE MARRY ME?! PLEASE?!" napatakip ako sa tenga ko sa ginawa niyang pagsigaw. Nakatingin din samin ang ibang mga kumakain na imposibleng hindi narinig ang sinabi niya. Kasi kulang na lang sumigaw siya sa megaphone. "Kailangan sumigaw?" "Sumagot ka na lang!" "Bakit ka sumisigaw?!" "KINAKABAHAN AKO!" Napahagalpak ako ng tawa. Naumid ang dila ko ng mapatingin ako sa singsing sa harap ko. It looks really beautiful, simple but beautiful. "That ring reminds me of you, simple, unique and beautiful. I love you, so please marry me? Please?" "Parang ayoko.." seryosong sagot ko sa kanya. Bumagsak ang mga balikat niya. Para siyang natalo sa pustahan sa itsura niya, parang maiiyak na din siya na hindi mawari. Hindi siya makatingin sakin. "Parang ayoko...ayokong tumanggi." napasinghap siya at napatingin sakin. Nginitian ko siya at hinawakan ko ang kamay niya, then I lean forward and kiss him on his cheek. "Yes, I'll marry you, my fake husband."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD