Chapter 18

1664 Words
CHAPTER 18 Tahimik na lumabas ako, ayoko na. Gusto ko ng umalis, naisip ko kung hindi ako sumunod hindi ako masasakatan. Kung hindi ko sinundan si Wynd sana, sana. No. .Tama ang ginawa ko. Dahil kung hindi ko siya sinundan, hindi ko malalaman na lahat ng nangyari. Lahat ng iyon hindi totoo, kahit masakit tama lang na nalaman ko. Pinaandar ko na palayo ang motor, wala na akong pakialam kung narinig man nila Wynd ang motor ko. I finally moved on and somehow I fell in love agai. At katulad dati, I fall for someone that wouldn't catch me. Pagod na pagod na akong masaktan, pagod na pagod na akong umiyak. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa BHO. Dali-dali akong bumaba at tumakbo papasok, I just want to rest. To calm this damn heart na hindi na nasanay masaktan. Hindi ako tumuloy sa kwarto namin ni Wynd. Cause everything that we shared there, it was all a lie. From the very start lahat ng ito nagsimula sa isang kasinungalingan. Lahat ng ito puro pagpapanggap, ang tanga ko lang kasi hindi ko napigalan ang sarili ko na mahalin siya. Nakarating ako sa roof deck, nanghihina na napaupo ako sa sahig. Stop it Autumn, stop crying. Ang ikli lang ng pinagsamahan namin na kami talaga, pero bakit ang sakit? Sumigaw ako ng malakas at napatakip ako sa mukha ko. "B-Bakit kasi. .bakit pa kasi kita minahal?" Tinulungan ako ni Wynd na sumaya, he save me from that dark place, he kept me alive. I never thought that in the end, he will be the reason that I'm going back there. Hindi ko alam kung bakit pero ang sakit, mas masakit ng minahal ko si Reese. Maybe because I know from the very start na minahal ko si Reese na hindi niya ako mamahalin, pero kay Wynd. Akala ko totoo na, Akala ko this time sasaya na ako, na this time mamahalin na ako ng taong mahal ko. Pero it seems like it’s still not enough, everything is not enough to make him stay with me. "Autumn." Hindi ko nilingon ang nagsalita at nagpatuloy ako sa pag-iyak, naramdaman ko na pumulupot sakin ang mga braso niya. Na lalong nagpalakas sa pag-iyak ko. Bakit?  Bakit ngayon pa? Sa lahat ng tao na mahalaga para sa akin, bakit si Reese pa ang nandito para sakin ngayon? Hinila niya ako papunta sa bench at pinaupo, nararamdaman ko na hinahagod niya ang likod ko at pinapatahan ako. Pumiksi ako pero hindi niya ako pinakawalan. Hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak. "A-Ang pangit pangit ko kasi, hindi ako dapat mahalin. Wala ng magmamahal sakin. Hindi niyo ako magawang mahalin kasi hindi ako maganda. Hindi ako sexy, walang wala ako-" "Don’t say that." "Bakit masakit? Kailan ko lang siya minahal Reese eh! Dapat di ba mas masaktan ako sayo? Sana ikaw na lang, sana ikaw na lang ang manakit sakin." "Autumn-" "Bakit ba kasi minahal ko ang taong yon?!" alam kong nagbe-break down na ako. Sigaw na ako ng sigaw at parang sasabog na ang ulo ko sa sobrang kaiiyak ko. I never cried  like this before. Nagulat ako ng biglang may humila sakin at sinampal ako. Ate Hurricane. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Lalayo na sana ako kay Reese pero pinigilan ako ni Reese. Nakatingin sakin si Ate Hurricane at umiiyak na siya. "Oo! Mahal ko si Reese, minahal ko si Reese ate. Patuloy ko siyang minahal kahit hindi dapat. I’m sorry, I’m sorry kasi minahal ko siya. Parusa na rin siguro sakin ito, kaya binawi na sakin si Wynd-" "Bakit hindi mo sinabi? Bakit wala kang sinabi!" sigaw sakin ni Ate Hurricane. Hindi umalis si Reese sa tabi ko, nakatingin siya kay Ate Hurricane. "Pinipigilan ko yung sarili ko na kausapin ka, since nung nalaman ko ng araw na nagkausap kayo ni Reese dito sa roof deck at sinabi niya sakin ang totoo. Gusto kitang kausapin, gusto kong itanong sayo kung bakit hindi ka nagsalita. All this time sinaktan kita, pero you kept on smiling at laging kang nandiyan para samin. Pero ako, wala akong nagawa para sayo." Puno ng hinanakit na sabi ni Ate Hurricane "Wala namang mababago. Hindi pa rin ako mamahalin ni Reese. He's different when he's with you. I know he's happy and I can’t take that happiness from him. Oo masakit, pero hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Kapag nasaktan ang isang tao, wala siyang dapat sisihin kundi sarili niya. Ako lang ang may kasalanan, kasi minahal ko si Reese." "Ang daya mo Autumn." "I'm sorry for loving him Ate." "And I’m sorry for not knowing." "Nothing will change. Kahit na sinabi ko pa." kumalas ako kay Reese at tinulak ko na siya papunta kay Ate Hurricane, napangiti ako ng bahagy ng makita kong pinunasan niya ang luha ni Ate Hurricane. They do belong with each other, and for the first time since I started to love Reese. Hindi na ako nasasaktan na makita sila na magkasama. "Ano bang nangyari?" tanong sakin ni Ate Hurricane. "I saw Wynd with a girl. And he's kissing her." "You sure?" tumango ako. Nakita kong may dumaan na galit sa mga mata niya na parang handa niyang bugbugin si Wynd kapag nakita niya. Pakiramdam ko nga gagawin niya talaga. "Mapapatay ko ang lalaking yon!" galit na sabi ni Ate Hurricane. "Honey-" tawag ni Reese kay Ate. "What?!" "N-Nothing." kahit na patuloy pa rin ako sa pag-iyak hindi ko napigilan na hindi mapangiti sa kanilang mag-asawa. As usual under si Reese, parang kami lang. Pagkakaiba lang hindi ko naman talaga asawa si Wynd, kaya wala naman akong karapatan na masaktan diba? Kaso ang pesteng puso na ito, hindi marunong makinig. Basta na lang tumitibok ng walang paalam,  hindi muna magpaalam sa utak ko para naman nakapag-brain s***h heart storm sila at ng hindi ako nasasaktan. "Kukuha muna ako ng tubig. Bantayan mo si Autumn, Reese." Paalam ni Ate Hurricane "You dont need to-" natahimik ako ng binigyan niya ako ng matalim na tingin. Natatawa naman si Reese na umupo sa tabi ko, nakangiting tinapik-tapik niya ako hanggang sa niyakap na niya ako. "I'm sure Wynd have his reason, women tend to over react." Paliwanag ni Reese. "I'm not-" "Take it for someone who have a wife na laging nagseselos. Marami na rin kaming pinagdaanan ni Hurricane, and I know na may pinagdadaanan din kayo ni Wynd. But there's one thing you should know." "What?" "If you love that someone, you need to trust him fully. You need to understand that there are things that would happen and sometimes it will hurt you,  but you should know that he wont hurt you, not intensionally." napatingin ako kay Reese. He's smiling at me as in smile. "You're like a sister to me Autumn, I don’t want you getting hurt kaya isa ako sa babasag sa mukha ni Wynd kapag pinaiyak ka niya ulit." "And you're like a brother to me too, well at this moment. I love you the right way now, yung wala ng masasaktan." "I love you too, cheesy but it's true-" napasinghap ako ng biglang may humila patayo kay Reese, and at the next moment nakabalandra na si Reese sa isang tabi. Nag-angat ako ng tingin, si Wynd. He's eyes is blazing with anger as he looks at Reese,  susuntukin pa niya sana ulit si Reese pero pinigilan ko siya at humarang ako. How dare him. Tumingin siya sakin. This man, ang taong minahal ko na pero sinaktan lang ako. Something change in his eyes while he's looking at me. "Move." Utos sakin ni Wynd "No." "Autumn, move." "No-" "Damn it! I said move!" hindi ako tuminag kahit bahagya akong nagulat sa boses niya. Tatabigin na niya sana ako pero, nanatili akong nakatayo sa harap ni Reese. Wynd brushed up his hair using his hand, tumingin siya sa langit and when he look at me again. I swear I can see tears in his eyes. "What does he have that I don’t? Nandito naman ako Autumn. I kept on loving you kahit na ilang beses mo akong sinaktan. Lagi akong nasa tabi mo kahit na hindi mo alam. Siya ba may ginawa para sayo? Wala diba?" naluluha na tumingin ako kay Wynd. I don’t understand, siya nga yag nanakit sakin pero kung makapagsalita siya parang ako lang ang may kasalanan. Wala na ang galit sa mga mata niya, napalitan iyon ng lungkot. "I thought you said you love me? Or maybe that words was not for me. Siguro nga nagkamali lang ako ng dinig. Baka hindi talaga para sakin ang sinabi mo. I'm very tired, not of you, not of loving you, I'm so tired of hurting myself. Loving you hurts so much. But I can’t tell myself to stop loving you, because this damn heart wants you. Ikaw lang ang gusto niya." "Wynd-" "But yeah, maybe hindi ka talaga para sakin. I understand now, sorry for trying too much. I just want you to know na walang pagpapanggap sa lahat ng pinaramdam ko sayo. At kahit nasasaktan ako ngayon, I would do it again if it means having those little memories I hd with you." napatakip ako sa mga mata ko at umiyak. No, hindi ko maintindihan. Tumingin ako sa kaniya."Hindi kita maintindihan, Ikaw itong nanloko. Ikaw itong sinaktan ako, akala ko totoo na lahat, akala ko may magmamahal na sakin. That that someone will love me as I love him, pero sinaktan mo lang ako." “HIndi kita sinaktan, I would never do that." "Liar! You already did. Nakita kita, sinundan kita. Sana pala hindi ko na lang ginawa, nakita ko kung paano mo siya hinalikan. Narinig ko ng sabihin mong mahal mo siya." "What?-" "Huwag ka ng magsinungaling, kitang kita ko. Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan. And did you just said you love me? I don’t know if I would believe it-" "What the hell are you saying, Autumn?" "Nakita kita, kasama mo yung Eilleen na yon." natahimik si Wynd. Then he smile, a sad smile. "How could you believed and judged me that easily, after everything I showed you. Kahit hindi ko sinabi, hindi mo ba naramdaman na mahal kita? Dahil lang sa nakita mo?" "Wynd what are you saying? I saw you kissing-" "I'm telling her something that's why I leaned forward, and Eilleen, she's my cousin. The daughter of my mother's sister. Claire Von."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD