CHAPTER 41 May gumalabog bigla pero hindi na ako nagulat kung sino iyon dahil ako mismo ang may kasalanan kung bakit may gumalabog. Ang init kasi kaya tinulak ko si Wynd sa ibaba ng kama. Hinila ko ang malaki kong unan. Ayoko ng mababa dahil hindi ako makahinga. Napangiti ako ng makita kong pupungas-pungas na bumangon si Wynd at bumalik sa kama. Sanay na iyan. "Hinulog mo na naman ako Sweetie." "Ang init nga kasi." Humiga siya at tumingin sakin. He caress my bare thighs. Napangiti na lang ako. Paikli na ng paikli ang mga sinusuot ko dahil hindi ako makatulog ng maayos kapag balot na balot ako. Naramdaman ko na gumapang iyong kamay niya sa tummy ko. Pareho kaming napangiti ng may maramdaman kami doon. Mukhang hindi lang kami ang nagising, pati si baby. Due date ko n

