CHAPTER 12
REESE'S POV
Bumaba na ako mula sa taas ng tool house. Napatingin ako sa pintuan pababa. Nandon si Wynd at Autumn. Hinayaan ko muna sila na matapos mag-usap. Napansin ko na nagmamadali si Autumn sa pag-alis.
"Wynd." tawag ko sa atensyon nia.
"Bakit ka pa kasi nakialam?"
"I know its time that I should do that."
"Hindi ka na dapat nakialam. I’ll make her fall in love with me."
Nakatingin lang ako sa kaniya. Kilala ko si Wynd. Maloko at mapagbiro. Minsan lang mag seryoso. Pero alam ko na deep down his facade, seryoso siya pagdating kay Autumn. Nang ma-guidance si Autumn noong highschool siya. Secretly, siya ang umayos non. Nang nakalimutan ni Autumn ang report niya at walang sumasagot sa bahay nila, si Wynd ang nagdala non. Nang muntik ng mapahamak si Autumn sa isang mission, siya din ang tumulong rito. Pero katulad ng dati hindi niya rin iyon pinaalam.
Pero kahit alam ko ang mga ginagawa niya na yon. Hindi parin niya nililinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya kay Autumn. Kahit may idea na ako, gusto ko paring malaman.
"Why are you doing this?" Tanong ko.
"Because I don't want to see the woman I love hurting herself for loving someone who can't love her back. I want her to be happy with me. O kahit hindi sakin. Basta maging masaya siya, lahat gagawin ko."
Ngumiti ako sa kaniya at tinapik ko siya sa balikat."Gawin mo kung ano ang gusto mo. I want Autumn to be happy."
"Bakit hindi mo na lang kasi siya minahal?"
"I always see her as a sister, Wynd. Pero kung mahalin ko nga siya, matatanggap mo ba?"
"Does it matter if I can't accept it? What matters is Autumn's happiness."
"There are different kinds of love Wynd. Hindi ko pwedeng mahalin si Autumn kahit na mahal niya ako. Katulad ng hindi mo siya kayang iwan kahit hindi ka niya mahal."
Iniwan ko na siya at naglakad na ako paalis. Maaayos din lahat sa kanila. Sa tamang panahon. Dahil hindi kasi maayos lahat ng ganon-ganon na lang. Kailangan muna nilang matuto. Then everything will be alright.