CHAPTER 36 Naririnig ko ang sunod-sunod na pagtipa ni Kuya Rain sa listening device. Alam kong naghahanap na siya ng kung ano-ano. Hindi ko maalis ang tingin ko sa babae. Malakas ang kutob ko na siya ang nanay ni Fey dahil malaki ang resemblance nila sa isa't-isa. Napasinghap ako ng bigla siyang hinila ng lalaki. "Hurry up. Uno close the door." Masama ang tingin ni Alfredo sa babae. Tahimik na lumapit lang sa kaniyaang babae na mukhang may iniindang kung ano. Nang makalapit lang siya at saka ko na realize kung ano. May malaki siyang pasa sa braso. At may pakiramdam ako na hindi lang doon meron noon. Iisa lang ang ibig sabihin noon. Sinasaktan siya ni Alfredo. Bakit siya nandito? Ang alam ko patay na siya. "That's Ofelia Luandez. Hindi ko alam kung paano pero buhay siya but

