Chapter 42 “Is this I love you, goodbye?” ALEXA’S POV Nagkakagulo pa rin ang lahat dito. Dumating ang mga pulis, ang bumbero, ang mga kung sinu-sinong taong gusto lang makiisyoso. Pati ang media nandito na rin. Nakaupo lang ako dito sa likod ng sasakyan at naghihintay ng balita kay goon. Konting galos lang naman ang meron ako at ang sabi wala naman daw nadali sa’king kahit ano. Gusto nga nila kuya na umuwi na lang ako pero ayoko. Ayokong magpakasarap sa malambot na higaan at malamig na kwarto ng hindi ko alam kung nasaan ang goon ko. “Sis!” Dumating si Jezhi at mabilis ko naman syang sinalubong. “Are you okay?” Niyakap ko sya ng mahigpit. “I am okay pero si goon. Si goon sis!” Nagsimula na naman akong umiyak. “Shhhh! Don’t worry, narinig ko ginagawa n

