Chapter 18 “CAUGHT IN THE ACT ” ALEXA’S POV Nauna akong bumalik kina mommy. Inantay ko lang na matapos ang operation ni papa at sinigurado ko munang okay sya tsaka ako umalis. May isa kasing tanong na gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam kung paano lumambot ang puso ng Umo na yun. Kaya naman pagdating na pagdating ko dito na ako agad sa company dumiretso. Hindi ko na hinanap si goon kahit hindi ko sya makita. Dumiretso na ako sa office ng presidenteng si Umo. Wala dun ang secretary nya kaya naman pumasok na ako sa loob at nagulat ako sa nakita ko. “Goon?” gulat kong tanong. Magkaharap silang dalawa at mukhang nagla-lunch. “Aswang – ” gulat ding sabi ni goon. Tumayo sya at lumapit sa’kin. “Kumusta si papa?” “Okay lang naman sya.” Nakatingin ako ng direts

