Chapter 13 “SWEET ESCAPE" ZAK'S POV “Akala mo ba makakalabas ng buhay dito ang nobya mo?" tanong ni manong kulubot. Ang tatanda na nitong mga 'to akala naman nila uubra sila sa'kin. “Nakatakas na nga sya di ba? Kaya kung di nyo ako palalabasin masasaktan kayo!" pananakot ko sa kanila. Bigla silang tumayo ng ayos at akala mo ang babait nila. Parang mga nakakaawang matanda. “Alam mo na Markon!" sabi ni manang mataba. Magsasalita sana ako ng biglang higitin ng lalaking kulubot ang isang kadena sa harapan nya at nagtawanan sila. Habang kinakabahan ako sa plano nila biglang may tumama na matigas na bagay sa likuran ko at napatalsik ko. Sobrang sakit. Parang isang bakal ang tumama sa'kin. Nahilo ako at di agad nakatayo. “Patay na ba?" narinig kon

