Zaire Emerald Xermin's Pov (CPO's White Queen) Shit! Akala ko ay makakaiwas ako sa laban pero mukhang marami-rami ang nakalabas ng stadium kaya heto, hindi ako makaalis sa kinalalagyan ko. Sa tuwing lilipat kasi ako ng pwesto ay lagi akong nakaka-encounter ng kalaban. Eh nakita nila agad ang mukha at tattoo ko kaya hindi ko na sila pwedeng buhayin lalo pa't may mga nagtatago sa dilim na kumakalaban sa grupo ko na pilit inaalam ang pagkatao ko. "Time out muna." pigil ko sa mga akmang susugod sa akin. Napakunot pa ang mga noo nila dahil sa sinabi ko. "Anong time out? Sa tingin mo nakikipaglaro kami sayo?" sigaw ng isa. Bumuntong hininga ako. "Hindi din naman ako nakikipaglaro pero hindi ba kayo nanghihinayang sa mga buhay nyo? Kahit magtulong-tulong pa kayo, kamatayan pa din ang kahah

