Zaire Emerald Xermin's Pov (Chess Pieces' White Queen) "Something is not right." mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang paligid. "Mukhang may mangyayaring hindi ko inaasahan huh." Kasalukuyan akong nandito sa 3rd floor ng Gemini Building kasama sina Alexa at Xavier. "Hindi mo inaasahan pero may ideya ka kung ano ang posibleng mangyari?" tanong ni Alexa. "I just have this feeling na tulad ito sa kung ano ang ginawa ko last year." sabi ko tsaka tumingin sa kanila. "Ang kaibahan lang ay higit na mas malakas ang mga gang na posibleng ma-trap dito at makaharap natin. Plus, may mga inosenteng posibleng madamay kung magkakagulo." "At iyon ang gusto mong pag-usapan natin, right?" ani Xavier na tinanguan ko tsaka iniabot ang isang folder na agad nyang tinanggap. "Kung sakaling magsimula ang

