Zhui Krishel Chrysoc's Pov Nandito ako ngayon sa sala at dalawang araw nang hindi lumalabas ng unit. Ramdam ko pa din kasi hanggang ngayon ang takot mula nang makaharap ako ang babaeng nagpakilala bilang White Queen at nagpaliwanag ng laro nila. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Wala akong choice kundi alamin ang pagkatao ng dalawang reyna dahil nakataya sa larong iyon ang buhay namin ng kapatid ko. "Zhui." Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko si Zerhia na halos tatlong araw ko ding hindi nakita. Hindi ko alam kung nagkulong ba sya sa kwarto nya dahil naka-lock iyon nitong mga nakaraang araw o sa labas sya naglagi dahil kahit sa pagkain ay hindi ko sya nakakasama. "Anong trip mo at ganyan ang suot mo?" tanong ko. Naka-jacket sya at nakapatong sa ulo nya ang hood

