Hell 5

3279 Words
Xeric Dominic Mirchovich's Pov (Chess Piece White King) The moment she stepped her feet inside my unit only means one thing. She's back and soon, gang war will start. But of course, hindi pa ito ang pagsisimula ng gang war. Simula palang ito ng paghahanda dahil alam ng lahat ang kayang gawin ng isang White Queen. Iyon nga lang, sa mga oras na ito ay wala pa kaming ginagawa na may kinalaman dito. Busy pa kasi si Zaire sa pagkain nya habang ako ay nakatitig lang sa kanya. Matagal-tagal din kaming hindi nagkita kaya nakaka-miss pakatitigan ang mala-anghel nyang mukha. "Can you please stop staring at me?" inis nyang sabi. "Walang batas na nagsasabimg hindi ka pwedeng titigan kaya pabayaan mo ako sa gusto kong gawin." ismid ko. "Isipin mo nalang na ito ang kapalit ng mga pinagawa mo sa akin sa loob ng anim na buwan. Hindi din naman biro ang pagpapasunod sa mga underlings mo noh. Lalo na sina Cetus at Vela." "Akala ko ba, wala kang problema sa mga lokong yun?" "As if namang masabi ko sayo kung gaano kaloko ang mga underlings mo." Eh lahat nga ng e-mail ko sa kanya noon ay kinakailangan pang dumaan kay Hydra bago i-send sa kanya. They making sure that I won't tell Zaire about their behavior. At kahit ang mga underlings ko, walang magawa sa mga ito. Hindi dahil wala silang laban kundi dahil may hawak ang mga ito laban sa kanila kaya hindi na sila nakikialam. "Pero nagawa naman nila ang mga trabaho nila. Iyon nga lang, hindi pwedeng hindi mahaluan ng kalokohan." Kung anong ikinabaliw ni Zaire ay sya ding mga kalokohan ng underlings nila. They love to set some pranks na wala ni isa sa amin ang nakakaligtas. "Well, magtataka pa ako kung hindi sila nagloko." aniya. "They're not my underlings if they are not that crazy." "Anyway, kamusta kagabi?" "Ayos lang. Medyo nakakapagod but worth it at the same time, regretful." Uminom sya ng tubig tsaka bumuntong hininga. "Nagsisisi ako kung bakit hinayaan ko na namang mangyari ito gayong alam ko namang hindi na pwede." "Ikaw lang naman ang nagsasabing hindi pwede, huh." "Hindi kasi talaga pwede. Not in my part but his lalo na kapag nalaman nya ang katotohanan sa nangyari ng gabing iyon. Kaya habang maaga pa, iniiwas ko na ang mga sarili namin sa sakit na posible naming maramdaman kapag nabunyag lahat iyon." sabi nya. "Hindi ko alam ang takbo ng isip nya sa ganoong topic kaya mas mabuti nang kumilos ng mas maaga kaysa magsisi pa sa huli." "At naisip mong pahirapan ang sarili mo at sya ay malayang nakakapagpatuloy sa buhay nang hindi naiisip na may isang tulad mo ang nag-eexist at nasasaktan ng dahil sa kanya." Bumuntong hininga ako. "Zaire, hindi mo kamag-anak ang gomburza para tumulad ka sa kanila kaya tigilan mo yan." Sumimangot sya tsaka ako inirapan. "Nagsalita ang hindi martir." "Yeah, martir ako dahil hanggang ngayon, mahal pa kita pero mas nakakatanga naman ang ginagawa mo noh. At least ako, malinaw na walang patutunguhan ang pagmamahal ko sayo dahil head over heels ka sa kanya. Eh ikaw? Puro ka speculations, conclusions and theory. Ni hindi mo inaalam ang side nya at nagde-desisyon ka agad mag-isa." This time, sinamaan na nya ako ng tingin at inambahan ng suntok. "Tigilan mo akong gago ka. Baka samain ka ng wala sa oras." "Tsk. Si Lexus dapat ang magsabi sayo nito nang natauhan ka." Agad akong tumayo bago pa dumapo sa panga ko ang kamao nya. "Face it, Zaire. Nagawa mo nang sumugal noon, ngayon ka pa ba matatakot. And please, stop hurting yourself. Maawa ka naman sa mga taong nag-aalala sayo." Iniwan ko na sya sa kusina. Kapag hindi pa sya natauhan sa mga sinabi ko, iuumpog ko na talaga ang matigas nyang ulo sa bakal. Pasaway masyado eh. Pero syempre, joke lang. Mahal ko kaya ang babaeng yun kaya hangga't kaya ko, tutulungan ko sya sa mga dapat nyang gawin. "Yeah, martir nga talaga ako." Nailing nalang ako tsaka ginulo ang buhok. "Well, ganun talaga kapag in love." ********* Zhui Chrysoc's Pov Mula kagabi, hindi pa umuuwi sina Zhey at Zerhia kaya naman hanggang ngayon ay nandito pa din ako sa sala para hintayin silang dalawa. Dito na nga ako nakatulog tapos paggising ko, wala pa din. Grabe talaga ang dalawang iyon. Sana man lang nagsabi na hindi sila makakauwi para hindi ako nag-aalala ng ganito. At mas lalo pa akong nag-aalala kay Zhey dahil ang mga CPO ang kasama nya. Eh kilala pa naman ang mga yun bilang isa sa pinakanakakatakot na gang sa buong mundo. Kaya mula kagabi, ipinagdarasal ko na sana, wala silang masamang ginawa dito. At sana makauwi sya ng maayos. Agad akong napalingon sa pintuan ng bumukas iyon at doon lang ako nakahinga ng maluwag nang makitang sina Zhey at Zerhia ang pumasok. "Bakit ngayon lang kayo umuwi? Sa'n kayo galing?" "Dyan lang sa tabi." sabay at walang gana nilang sabi tsaka ako nilagpasan. "Aba, hindi man lang ba kayo magpapaliwanag? Pinag-alala nyo ako at hinintay ko kayo mula kagabi." maktol ko. "Sorry." simpleng sabi nila tsaka tuluyan nang pumasok sa kanya-kanyang kwarto na ikinasimangot ko. Badtrip yun huh. Ako na nag-alala tapos ganun nalang nila akong lalagpasan? Nasa'n ang hustisya dun? Tsk. Pumasok na din ako sa kwarto ko para makapag-ayos na. May pasok pa ako at base sa mood ni Zerhia ngayon, siguradong hindi sya papasok. Kaya wala akong choice kundi umalis mag-isa. Pero sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, hindi na ako maliligaw. Sasakay nalang ako sa school bus na umiikot sa buong campus para mararating ko ang tamang building para sa mga klase ko. Paglabas ng unit ay natanaw kong bukas ang pintuan ng elevator kaya agad na akong tumakbo palapit dito at eksaktong pagtapak ko sa loob nito ay ang syang pagsara ng pintuan na ikinahinga ko ng maluwag. "Buti, nakaabot ak--" Hindi ko natapos ang sabihin nang iangat ko ang tingin. Binalot ang buong katawan ko ng matinding takot at kaba habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa harap ko, dalawang hakbang lang ang layo sa akin. "W-white Queen." Oo, sya nga ang kaharap ko ngayon. Nakasuot sya ng puting cloak pero nakababa ang hood nito. Suot nya ang itim na maskarang may ginto sa gilid at tatak ng puting reyna sa kanang bahagi nito kaya hindi ko man makita ang buong mukha nya ay alam kong sya ang White Queen. Napaatras ako at napasandal sa pintuan ng elevator nang bigla itong mag-angat ng tingin at bumaling sa akin. s**t! Hindi ko kailan man ginustong makaharap ang tulad nya kaya bakit nangyayari ito? "If I am not mistaken, you're Zhui Chrysoc." Naglakad ito palapit sa akin tsaka ipinatong ang kamay sa mga balikat ko na nagpanigas ng buong katawan ko. "The girl who's trying to do what I did last year." "W-what are you talking about?" lakas loob kong tanong. Alam kong kapag gumawa ako ng mali, hindi sya magdadalawang isip tapusin ang buhay ko. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kakayahang pumatay ng bawat miyembro ng CPO lalo na ang White Queen. "Want to know some secret?" tanong nya pagkuwa'y dahan-dahang inalis ang suot na maskara kaya't nasilayan ko ang buo nyang mukha. "I-ikaw ang white queen?" hindi ako makapaniwala na sa halos pitong taong pag-eexist ng CPO ay mabubunyag sa akin ang pagkatao ng pinakamahalaga sa piyesa nila. Pero bakit? Bakit nya ipinakita sa akin ang mukha nya? "Ipinapakita ko sayo ang mukha ko since alam ko namang ako ang pakay mo sa eskwelahang ito." Itinago nya ang maskara sa loob ng cloak tsaka muling sumandal sa pader ng elevator. "So, let's play a game para naman ma-enjoy ko ang presensya mo dito sa teritoryo ko." "H-hindi ako makikipaglaro sa tulad mong demonyo." mahina pero madiin kong sabi. "At hindi ikaw ang pakay ko sa lugar na ito." Ngumisi sya. "You know that I don't buy your pretension. We both know that you're not the sweet, weak and stupid Zhui they know. You are far from that so just be yourself before I could lose my patient and kill your right here, right now." "I don't know what you're saying." "Of course you do." Mas lalong lumaki ang ngisi nya. "I am the queen of pretender, Zhui. That's why I know what you're doing. So, let's just play my game." Pinakatitigan ko sya at hindi sumagot. Hindi ko alam kung anong plano nya at kung bakit nya sinasabi ang lahat ng ito. "Silence means yes. At alam ko namang madadalian ka lang sa laro natin." Inilabas nya ang kanang kamay at ipinakita sa akin. "You see, I don't have the white queen tattoo and that only means that I am not her. Yeah, hindi nga ako ang white queen dahil isa lang naman ako sa mga underling nya. I am just here to deliver her game to you." "W-what game?" "Hide and seek." simpleng sabi nya. "Find and reveal the true identity of Chess Piece's Queens. With 's', meaning hindi lang iisa kundi dalawa. Ang White and Dark Queen." Naikuyom ko ang kamao ko nang marinig ang mga sinabi nya. "So, what's the catch? Well, if you find them, you can do whatever you want. Kahit patayin mo pa dahil hindi sila lalaban at asahan mong walang makikialam o gaganti man lang sayo kapag napatay sila." Napalunok ako sa sinabi nya. "P-paano kung hindi ko sila mahanap?" "Syempre, buhay mo din ang magiging kapalit nito. Pero syempre, hindi lang ikaw dahil madadamay din sa larong ito ang kapatid mo." aniya. "Walang kinalaman ang kapatid ko dito!" sigaw ko. Damn it! Ano bang gusto sa akin ng babaeng yun? Bakit gusto nya akong patayin? Sigurado ako na wala akong kasalanan sa kanila. "Unfortunately, damay na talaga sya sa larong ito noon palang nang tulungan nyo si Hillary sa ginawa nyang pagbunyag sa katauhan ni Heil." Natigilan ako sa sinabi nya. s**t! Paano nya nalaman iyon? "We all know who you are, Zhui. So, weather you like it or not, you will play this game and bet your own life for this. Dahil kung hindi, sigurado akong hindi na aabutin pa ng tatlong araw ang buhay mo." Lumapit sya sa akin tsaka tinapik ang balikat ko. "Well, it is also your fault. Kung hindi ka na pumasok sa teritory namin, wala na sana kaming planong pag-asayahan ka ng panahon. Ikaw kasi eh, naisipan mo pang makipaglaro." Natawa pa sya tsaka muling tinapik ang balikat ko at lumabas na ng elevator nang magbukas ang pintuan. "Welcome back to hell, Zhui Chrysoc. I hope you enjoy staying here." Napaupo nalang ako sa sahig nang muling magsara ang pintuan ng elevator at ngayon ko mas ramdam ang panginginig ng tuhod ko dahil sa takot. Hindi pa sya ang white queen pero ganito na ang takot na nararamdaman ko paano pa kaya kapag ang totoong white queen na ang nasa harap ko? Hindi ko akalain na ang simpleng pagtulong ko sa isang kaibigan ang syang magdadala sa kamatayan namin ng kapatid ko "Hindi na sana ako nakipagkasundo kay Hillary noon kung alam kong ganito ang mangyayari sa akin." ********* Hunter Paul Moretz's Pov (Chess Pieces White Knight) Napangiwi agad ako pagdilat pa lang ng mga mata ko dahil sa matinding sakit ng ulong nararamdaman ko ngayon. s**t lang! Hindi ba pwedeng walang hangover kapag naglalasing? Parang pinipukpok ng martilyo ang ulo ko ngayon eh. Damn it! Kasalanan din nila Dylan at Tristan ito eh. Porket mabilis natapos ang laban kagabi, nag-aya pang mag-inuman. At ako naman itong si tanga, basta alak, hindi tumatanggi. Hay. Pumasok ako sa banyo at agad itinutok ang shower sa ulo ko. Baka sakaling mabawasan ang sakit ng ulo ko. "Hunter!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang malakas na sigaw na iyon kaya agad kong hibalot ang twalya at ibinalot ito sa katawan ko tsaka tumakbo palabas. Isa pa ito, hindi marunong magpasabi kung kailan ang dating. At wrong timing pa. "Hunter!" "Maghintay ka." bulong ko. Wala naman akong lakas ng loob sigawan ang babaeng yun dahil siguradong hindi ako tatantsahin nun. Baka bangasan ako ng wala sa oras. Nang makalapit ako sa balcony ay agad ko nang binuksan ang pintuan nito tsaka walang galang na pumasok ang babaeng ito. Agad nitong binuksan ang tv ko tsaka sumalampak ng higa sa sofa. Yeah, sa balcomy nga sya dumaan. May lahi yata syang gagamba o unggoy dahil mas madalas pa pa syang dumaan sa mga balcony o bintana kaysa sa pintuan. At isang tao lang naman ang kilala natin na mahilig sumulpot sa mga balcony at bintana, right? "Nakapanggulo ka na ba kay White King, Zaire?" tanong ko. Oo, si Zaire lang naman ito. "Mamaya mo na ako kausapin. Tapusin mo muna ang paliligo mo." aniya habang nakatalikod sa akin. Dun kasi sya nakaharap sa sandalan ng sofa. "It's your fault. Bigla kang sumulpot habang naliligo ako." inis kong sabi. "Nagrereklamo ka?" Napangiwi ako nang marinig ang malamig nyang boses. "Hindi po, mahal na reyna." Napailing nalang ako tsaka naglakad pabalik ng kwarto tsaka dumertso sa banyo at ipinagpatuloy ang paliligo. Inalis din nila ang alaala ko tungkol kay Zaire pero dahil sadyang observer ako at pakialamero sa mga plano at ginagawa nila, ayun, wala silang nagawa kundi ang ibalik ang memories ko sa kanya. Medyo hindi pa nga lang ganun ka-effective ang antidote sa naunang gamot na ibinigay nila sa akin. Mga information palang at yung mga pangyayaring nakasama ko sya ang tanging naalala ko pero yung mukha nya, matagal-tagal din ang lumipas bago ko tuluyang naalala. At ngayong naririto na sya sa unit ko ay nangangahulugang tuluyan na syang babalik. Dito na din magsisimula ang mga bagay na mahigit anim na buwan din nilang pinagplanuhan ni White King. Matapos kong maligo ay agad na akong nagpunas ng katawan at nagbihis. Hindi pwedeng paghintayin ng matagal ang reyna. Masamang magalit ang demonyong yun at mahal ko pa ang buhay ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko syang tutok sa tv kaya agad kong sinilip kung anong pinapanood nya at napanganga ako sa nakita ko. I didn't know or even expect na nanonood sya ng ganitong klaseng palabas. "I never thought of you watching this kind of tv show, White Queen." naiiling kong sabi. "So childish. Anong nakita mo dyan at ganyan ka kainteresadong panoorin yan?" Hindi nya kasi inaalis ang tingin sa screen ng tv. "Shut the fvck up, Moretz. I'm still busy watching my little cute dora." she said that habang nakatingin pa din sa pinapanood. Seriously? "Anong cute si Dora?" Napangiwi ako. "Nakikita mo ba ang negrang yan? Puro gala ang ginagawa kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganyan ang kulay nya. Para ding tanga. Nasa likod na nga nga madalas ang hinahanap, kailangan pang magtanong. Yung totoo, bulag pa sya?" Napaatras ako at lalong napangiwi nang bigla syang bumaling sa'kin at isang nakamamatay na tingin ang ibinigay nya. "Sinong negra? Sinong tanga? Sinong bulag?" Nakakatakot ang boses nya at sa itsura nya ngayon, parang anytime, eh talagang mababalian nya ako ng buto sa katawan or worst, baka mapatay pa ako. "Ah.. eh.. Ano.. Hindi sya negra. Morena lang. Tama.. Morena, matalino at sobrang linaw ng mata ni Dora mo." Napaiwas ako ng tingin. Geez! Ano ba talagang meron kay Dora at ganito ang babaeng ito? Ganun ba talaga sya kaapektado sa galang iyon? Tsk. Totoo naman kasi ang sinasabi ko eh. Si Dora ang negrang gala! "Laitin mo pa si Dora, ipapakain ko sayo lahat ng balang meron sa baril ko." madiin nyang sabi na ikinalunok ko. Damn. Seryoso nya ito dahil ginagawa nya kapag talagang nagbanta sya. "Okey, let's talk about the plan." Muli akong tumingin sa kanya at tulad kanina, nakatutok na naman ang tingin nya sa pinapanood. "Ihanda mo ang buong Underground." she said. "Ano bang plano?" "Ipapaalam lang natin sa lahat ang pagbabalik ko at alam mo naman kung anong ibig sabihin nito, right?" Tumango ako. "Gang war." "Yeah. Kaya lumayas ka na bago pa kita ihagis dyan sa bintana." And she wave her hand na ikinataas ng kilay ko. "You're really unbelievable, Zaire. Ako pa talaga ang pinapalayas mo sa sarili kong unit?" Ginulo ko ang buhok ko "Yeah." This time, muli syang tumingin sa akin. "Have a problem with that?" Again, she used her dangerous tone so ano pa ba ang magagawa ko? Bumuntong hininga nalang ako. "Fine. Pakipatay nalang ang tv pag-alis mo." Tinalikuran ko sya tsaka lumabas ng unit. Sya ang boss kaya walang pwedeng magreklamo. Tsk. "Hunter." Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Dark King na palapit sa akin. Anong sadya nito ng ganitong oras? "Pasok. May pag-uusapan tayo." seryoso nyang sabi na ikinasandal ko sa pintuan. s**t! Bakit ba ang wrong timing nila? "Dark King, hindi ka pwede sa unit ko ngayon. Dun nalang tayo sa baba mag-usap." Napangiwi ako nang biglang sumama ang tingin nya sa akin. "Pasok!" Napaigtad ako sa sigaw nya kaya nabuksan ko bigla ang pintuan. Damn it! Mayayari ako nito kay Zaire eh. Hindi ko na napigilan si Dark King nang pumasok sya kaya wala na akong nagawa kundi sumunod. Sinubukan ko pa syang pigilan pero hindi nya ako pinansin. Diretso lang syang naglakad at napahinto nang makarating sa sala. Pigil hininga pa ako habang lumalapit sa kanya. s**t naman! Hindi pa ito ang tamang panahon para magkita sila uli. "Seriously?" Agad akong lumapit sa kanya para makita ang tinitingnan nya. "Dora the explorer, huh." nakangisi nyang sabi tsaka naupo sa sofa. Nakahinga ako ng maluwag tsaka inilibot ang tingin sa paligid. Napansin ko ang bahagyang paggalaw ng pintuan sa kwarto kaya siguradong nandun si Zaire. "Idol mo pala ang negrang yan." "Hindi sya negra!" Ano ba naman? Bakit ba kailangan pang laitin. Baka bigla nalang lumabas itong si Zaire dahil sa narinig eh. "Ahm, morena sya at hindi negra kaya huwag mong laitin si Dira." Naku, ngayon lang ito. Ipagtatanggol muna kita para lang maiwasan ang maaga nilang pagkikita. "Whatever." naiiling nyang sabi. "Anyway, may gusto akong malaman tungkol sa dalawang dating estudyante ng academy bago ang gulo." "Specific names?" "Zaire Miguel and Zhey Leguima." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Don't tell me-- "As of Zaire Miguel, I don't really know who she is. Basta nalang pumapasok sa isip ko ang pangalan nya and this Zhey Leguima, medyo curious lang ako dahil sa nakita kong galing nya sa racing kagabi." paliwanag nya. Akala ko naman naaalala na nya si Zaire. "Sige, ako nang bahala dun. Ibibigay ko nalang ang info mamaya." Napalingon ako sa kwarto ko kung nasaan si Zaire. Siguradong narinig nya ang pinag-usapan namin ngayon. "Sige na, pwede ka nang lumayas sa harap ko." Anak naman ng tokwa! Ako ang may-ari ng unit pero ako ang pinapaalis nila. Nako, bagay talaga silang dalawa. "Hindi ka pwede dito, Dark King." "Get lost, Moretz bago pa uminit ang ulo ko at magawa ko pa sayo itong nangyari sa akin." banta nya na ikinasimangot ko. "Badtrip talaga kayo!" Lumabas na ako ng tuluyan sa unit. Bahala nga sila dyan. At lalong bahala si Zaire dahil hindi sya basta makakalabas ng kwarto ko. Walang bintana dun na pwede nyang daanan. Hindi naman papasok sa kwarto si Dark King kaya siguradong hindi sila magkikita kaso, baka mainip naman ang White Queen. Pumasok na ako ng elevator at sa pagsara ng pintuan nito ay nakita ko ang sarili kong repleksyon at isang ngisi ang sumilay sa aking labi. Now that she's back, everyone need to ready themselves. They need to be careful because Hellion Academy's Chess Pieces Officers will start the game that they never expect. The gang war will soon to start.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD