Zaire Emerald Xermin's Pov (CPO's White Queen) Hindi ko alam kung ilang araw ba akong walang malay dahil ang tanging naaalala ko lang ay iniuwi ako ni Phoenix dito sa bahay pinatawag ni Ate Zea ang personal doctor ko para magamot ang mga sugat ko. Kaya ngayon ay nagdadalawang isip akong dumilat dahil ramdam kong maraming mata ang nakamasid sa akin. Mabuti na din palang naka-dapa ako sa kama kaya hindi nila basta makikita ang paghinga ko. "She's been like that for two days." dinig kong sabi ni Zerhia na nakaupo sa paanan ng kama ko. "Sigurado ba kayong okay lang sya?" "Like what I said, she's under a lot of stress dahil sa mga nangyari kaya kailangan syang i-force sleep para mabawi nya ang lakas ng katawan or else, hindi magiging maganda ang kundisyon ng katawan nya." ani Ate Zea. "You

