Continuation of Zerhia's Flashback... "You're not here to join my group, right?" tanong nya nang muli kaming magharap sa arena. "You're here to vent your anger on me and—" "Dahil ikaw ang dahilan ng galit ko." madiin kong sabi sa kanya. "At hindi ako basta sasali sa grupo mo. I will take it away from you tulad ng kung paano mo inilayo sa akin ang kapatid ko." "Kapatid mo?" Mapait akong napangiti. "Hindi mo inaalala ang taong pinapatay mo?" Umiling sya. "They are all criminals so why bother to remember them?" Napakuyom ako ng kamao. "Hindi masamang tao ang kapatid ko!" "Then, hindi ako ang pumatay sa kanya." Nag-inat ito. "But since gusto mong kunin sa'kin ang grupong ito, pagbibigyan kita. Well, iyon ay kung kaya mo akong talunin." Hindi ako nag-aksaya pa ng pagkakataon at unang su

