Bella's POV Maggagabi na at kakadating ko lang din sa mismong ospital. Binayaran ko na ang driver atsaka tuluyan ng lumabas sa sasakyan. Napatingala ako sa malaki at modernong ospital na nasa harapan ko ngayon. May malaking signage sila sa ibabaw ng kaning entrance, nandito na ako sa mismong ospital kung saan dinala si papa dalawang taon na ang nakakalipas at kung saan ako sinugod noong nawalan ako ng malay sa park "Augustus Medical Hospital," bulong ko sa hangin. Huminga ako ng malalim bago tuluyang naglakad papasok ng mismong building. Kaagad kong hinanap ang reception area ng ospital para magtanong-tanong. "Excuse me miss?" kuha ng atensyon ko sa isang babae. Kaagad naman siyang tumingin sa'kin at nilapitan ako. "Yes, ma'am? What can I do for you?" tanong ng nurse. "Is Dr. Seb

