Bella's POV Inimulat ko ang aking mga mata. Kaagad naman akong napasapo sa aking ulo ng bigla 'yon sumakit. Tinignan ko ang buong lugar at pinilit na inaalala ang mga pangyayari kagabi. Mula sa fashion show, pagkikita namin uli ni Lucas, pagsampal ni Aeva sa'kin, pag-inom namin nila Althea, pagsayaw ko, pagpasok namin ni Dale sa kwart-- kaagad akong napatingin sa ilalim ng comforter. Wala akong damit! Totoong may nangyari sa'ming dalawa, akala ko panaginip lang 'yon. Naalarma ako ng may biglang kumilos sa tabi ko. Nahigit ko ang aking hininga ng ilagay niya ang isa niyang braso sa ibabaw ng tiyan ko habang natutulog na nakadapa. Kailangan kong makalabas dito ngayon din, bago pa siya tuluyang magising. Inobserbahan ko muna ang paghinga niya, ng makita kong malalim 'yon dahan-dahan

