Bella's POV "Ate!" isang malaking yakap ang sinalubong sa'kin ni Bea sa bahay. Napangiti ako sa ginawa niya atsaka niyakap pabalik, hinahayaan ko na lang na malaglag ang dala kong bag sa sahig dahil sa biglaan niyang pagyakap. Ito ang gusto ko sa tuwing uuwi ako sa amin. "Papa! Andito na si ate!" sigaw niya at niyakap ako ulit. Bahagya akong napatawa sa ginawa niya. "Wow, hindi halatang miss na miss ah," pagbibiro ko. Tumingala naman siya sa'kin habang nakanguso. Ginulo ko ang buhok niya atsaka hinalikan sa noo. "Malapit na ang pasukan bunso, mukhang kailangan mo nang magdorm. Nako! Mas mamimiss mo 'ko niyan," sambit ko. Mas lalo tuloy siyang ngumuso at biglang nag-iwas na lang tingin sa'kin. "Parang ayoko na tuloy magdorm ate," malungkot niyang wika. Hinuli ko gamit ang dalawa ko

