Bella's POV Nasa loob na kami ng sasakyan, si Olga nakatanaw lang sa labas habang si Althea naman ay may kausap sa kanyang phone. "So?... Ano naman kung doon ang napili naming bar?... Hindi mo hawak buhay ko para kontrolin ako ng ganyan, Van... Whatever... Ewan ko sa'yo, bahala ka diyan." Althea flipped her hair after ending the call. I see, so si Van pala ang kausap. May hindi ata silang napagkasunduan base sa kunot na noo ni Althea ngayon. "Ugh! That man just ruined my night," she said and rolled her eyes as she look outside the car window. Hindi ko tuloy maiwasang mapangisi habang nakatingin sa kanya ngayon. Ganyan lang 'yan ngayon pero mamaya maghahanap na 'yan ng text o di kaya ay tawag mula kay Van. Talaga nga namang marupok. Hindi nagtagal, narating na rin namin ang bar na gu

