Bella's POV Dalawang araw na lang bago ang fashion show, hindi ko lubos maisip na sa araw na 'yon ay rarampa na ako sa mismong runway. Althea, Olga and I visited the venue yesterday, it was a huge place. Nang makita ko ang mahabang rectangular na runway ay hindi ko maiwasang mapalunok. Kinakabahan ako kahit hindi pa nagsisimula ang mismong event. Maraming inimbitang maimpluwensiyang tao si Althea, almost all of her clients were expected to be there. Kahit na si Aeva ay pupunta rin. Mas lalo tuloy akong kinabahan ng makita ko ang pangalan niya sa listahan ng guests ni Althea. Kasama niya rin kaya si Lucas? "Let's go back to the rehearsal girls," ani ng instructor namin. Kaagad ko namang itinabi ang tubig ko atsaka muling bumalik sa pwesto ko. Pangalawa mula sa pinakahuli akong lalab

