Bella's POV Kinakabahan ako. Kinakabahan ako. Kinakabahan talaga ako. "Bella, bilisan mo na nga! Ihahatid ka pa namin ni Eric!" sigaw ni Macey sa labas ng kwarto ko. Parang gusto kong mag-back out na lang bigla. Alas tres na ng hapon, dapat alas quatro pa lang ay nasa venue na kami para maghanda. Kanina pa akong umaga ganito, kinakabahan talaga ako. Ngayong araw na kasi ang fashion show. "Bella, dalian mo na kasi!" "Andiyan na!" Tinignan ko ang sarili ko sa salamin bago ko pinihit ang doorknob sa loob ng aking kwarto. Inhale. Exhale. Breathe Bella, hindi ka na pwedeng umatras pa. "Bella--!" "Ano ba, sigaw ka ng sigaw," nakabusangot kong sambit sa kanya. "Ikaw kasi, ang tagal-tagal mo. Babiyahe pa tayo doon, paano kung traffic sa daan?" ani niya atsaka pinagkurs ang braso. Nag

