Kabanata 16 "Sino at naghatid sayo Zhan?" Sinalubong ako ni Mama dito sa may pintuan habang may pagtatakang tingin siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit talaga siya lumabas. Mabuti nalang talaga at hindi naisipan ni Gustav na lumabas sa kanyang kotse. Panigurado akong makikita siya ng Mama ko. "Kaibigan ko lang 'yon. Naghatid sa akin dito." pagsisinungaling ko sa kanya. Hindi ko naman pwedeng sasabihin sa kanya na boss ko ang naghatid sa akin dito. Ano nalang ang sasabihin niya. "Kaibigan ko lang talaga 'yon Ma." dugtong ko pa sa kanya habang nilagpasan ko na siya at bahagyang pumasok sa loob. Bahagya lang niya akong sinundan. "Hindi ako naniniwala." narinig kong sabi niya sa likuran ko. Bahagya akong napapikit at bumuntong-hininga saka muli akong napabaling ng tingin sa kanya. "Sabi

