Kabanata 48 _________________________________________________________________ "Ganda na sana ng love story niyo, may paepal lang talaga e." sabi ni Hannah sa akin. Kasalukuyan kami ngayong nagsho-shopping dito sa mall dahil kaka-sweldo lang namin kahapon. Kaya nandito kami para bumili ng damit. Minsan lang din naman namin ito ginagawa. "Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Ang gulo-gulo na." nasabi ko sa kanya. Kinuha ko pa sa hanger ang squarepants at bahagya tinignan sa salamin if it fits for me. "But Gustav said, dapat lang akong magtiwala sa kanya." dugtong ko. "Ang panget talaga ng taeng 'yon." aniya. "Sarap niya sampalin ng sampung beses." may galit na sabi niya sa akin. Bahagya niya pang ibinalik sa hanger ang black na dress na tinignan niya kanina. "H'wag nalang nga nati

