Kabanata 41 ____________________________________________________________________ Matapos akong kumain ng tanghalian sa mansion ni Gustav ay naisipan kong umuwi na. Magkikita pa din naman kami bukas dahil lunes na bukas. Panibagong araw. Sana naman at wala nang panibagong issue ang malalaman ko tungkol bukas at nagbabakasakali akong mawala na sa isipan ng mga tao ang nasabing issue. Nalaman na din ito ni Mama at gulat lang ang ipinakitang reaksiyon sa akin. Ganon naman talaga ang ire-react. Pero sinabi ko lang sa kanyang h'wag siyang mag-alala sa akin dahil okay lang ako. Nag-vibrate ang cellphone ko. Akala ko'y si Gustav o si Hannah ang tumawag sa akin ngunit hindi pala. Unregistered number ito at nagdadalawang isip akong sagutin ito. Baka pinagtripan lang ako nito. "Sino ito?" tanong

