Kabanata 39 ____________________________________________________________________ Sa bawat istorya ng pag-ibig, may mga sumisingit na pagsubok at mga ahas para tibagin ang nabuong relasyon. Iyon naman ang palagi kong nababasa sa nobela at istorya. Dahil wala naman ngayong trabaho, mas minabuti ko nalang na manatili dito sa aming bahay. Niyaya ako ni Gustav na lumabas ngunit hindi ako pumayag. Hindi ko alam pero wala lang akong ganang lumabas sa ngayon. Parang gusto ko lang muna ang pagpahinga dito. Lalabas lang siguro ako dito sa kwarto kapag kakain ako. That's my life. Kinuha ko muna ang aking cellphone. Binuksan ko lang ang aking data saka nag-f*******:. Scroll dito, scroll doon. React sa mga memes na makikita at i-share ito. My phone suddenly vibrated. Nakita kong nag-message sa ak

