“HE SHOULD be awake by now. I don’t understand.” Napatulala na lang si Sunny. Hindi maari iyon. This was not the ending she envisioned for them. Heto siya at buong pusong umaasa na magigising ulit ang binata at yayakapin siya nitong muli. Pero bakit ang lupit naman ng tadhana niya? Sunny started questioning herself. What has she done wrong? Maybe it was all her fault after all. Ilang beses pang napailing si Sunny at kagat-labing napahikbi. Ito siya na buong akala na wala na siyang mailuluha pa. Lumapit si Tanda at hinawakan ang dalawang balikat ni Sunny upang humarap siya rito. “Sunshine, hija calm down.” Inalo siya ng matanda at niyakap. “Calm down. Hindi pa natin alam ang nangyayari. Reave will find out about it. Hindi ba Reave?” Tumango naman ang doktor. “We will conduct more test

