Pasimpleng sumilay ang ngiti sa mukha ni Izaac nang hinarap ang litrato ng Mommy nito. "Hey, Mom. This is Sunshine. I told you about her," he said as he glanced at Sunny. "Sunny, this is Izobel Easton-Lorenzo, my Mom. I don't talk about her a lot. Kung naabutan mo siya, I'm sure she'll instantly like you." Nakatingin lang and dalaga sa portrait niya na nakasabit sa pader. Her beauty was timeless like an actress from an old Hollywood film just suspended there. Mahaba ang alon-alon at kulay tsokolate nitong buhok. Her skin was flawless, her blue eyes were exuding magic. Matagal niya nang alam na ibang klase ang ganda ng mommy ni Izaac. Nakita na rin kasi ni Sunny ang family picture nila dati sa mansyon. Pero iba pa rin ang dating sa larawang ito. "She's very beautiful," tanging na sambit

