"Hey! I came here as soon as I can," bungad ni Sunny sa kaibigang hinihintay siya sa sarili niyang opisina. Vee bombarded her with phone calls early in the morning. Hindi lang talaga niya ito nasagot dahil sa pagpupumilit ni Izaac na manatili silang nakahiga sa kama. Mabuti na rin dahil hindi naman nagtanong ang binata sa pagmamadali ni Sunny. He even said it himself that he had other personal business to attend to outside of The Site. "Yeah right. Pasensya na girl, kailangan niyo pa tuloy putulin ang sexy time niyo," kumindat pa ito sa kanya. Sunshine just rolled her eyes and snapped back, "Ikaw ang aga-aga eh. 'Di ko alam pinagsasabi mo!" "C'mon Sunny! Halos lahat na ng agent at staff dito alam na magjowa na kayo ni Alpha. In fairness ah! Glowing ka ngayon. Iba talaga kapag nadidil

