Yesterday Once More written by: Blackrose Chapter 50 -Biktima Lang Rin Siya ------'--,--'-{@ Tatlo kaming nagdadasal nila Daddy at Stephanie dito sa chapel ng hospital. Nasa critical parin ang lagay ni Mama na ngayon ay pilit parin nire-revive ng mga doctors. My mind is in turmoil at hindi ako makapag-isip ng mabuti sabayan pa ng grabeng iyak ng kapatid ko at ang pagkataranta ni Daddy kanina nang dumating sila. Ayokong isipin ang worst, ayokong isipin na malaki ang possibility na mawala na sa amin ng tuluyan si Mama. Hindi ko alam ang gagawin ko if ever she will really die this time. Baka mapasugod ako sa presinto at barilin ko na lang bigla sila Arabella at Aprilyn kapag nangyari yun. Habang nakapikit at tumutulo ang mga luha ko ay sobrang lakas ng kabog ng puso ko. 'Mr. Montereal?

