YESTERDAY ONCE MORE written by: Blackrose Chapter 46 -Pagtutuos ------,--'-,-{@ Everything are already planned. Nakahanda na ang lahat pati ang warrant of arrest para kay Maria Arabella Sta. Maria Johnson at sa kasabwat nitong si Marcus Valdez. That was made possible by Arthur's connections sa mga pulis na siyang kasa-kasama namin ngayon papunta sa bahay ni Marcus Valdez. Pinahalungkat talaga ni Arthur ang mga list of doctors na nag-duty noon sa Sta. Maria General Hospital on that dreadful night at pinahanap sa list ang name ng attending doctor na hinahanap namin. It so happen na walang ganon doctor ang nagdu-duty sa nasabing hospital kaya mas lalong lumakas at tumindi ang hinala namin. Mabuti na lang ay natandaan pa ni Arthur kung saan niya naitabi ang death certificate ko kung saan n

