Halos paliparin ni Elmo ang kotse papunta sa kung saan mang ospital tinakbo ang papa nito. Nakakapit na lang si Julie sa may hawakan ng kotse para lang hindi siya tumilapon. "P-Pak slow down. Baka tayo naman ang madisgrasya!" Elmo breathed in as he slightly slowed down. Pero mabilis pa rin talaga ang patakabo. "Sorry Pak." Mahinang sabi ni Elmo habang naka-concentrate sa pagmamaneho. Nanahimik na lang si Julie. She saw how intense Elmo's eyes were as he drove on. Makalipas ang ilang minuto ay nakadating na sila sa ospital sa kung saan man tinakbo ang tatay ni Elmo. They quickly parked at a spot and Elmo rushed out of the car but not before taking Julie's hand in his. Sobrang higpit ng hawak nito sa kamay niya kaya naman binalik ni Julie ang paghawak dito at sumunod sa pagpasok. Sa

