Ano ba namang panaginip ito. Julie moaned in her sleep as she turned and reached for her pillow.
"Pak teka lang..."
Ay iba ata naabot niya.
She opened her eyes and saw Elmo looking at her.
Muntik na mapabalikwas sa kama si Julie nang mapagtanto kung ano ang nangyayari.
"Di ka umuwi sa inyo?!" She yelled as she sat up.
Elmo turned in his position, still lying down as he looked at her.
"E ang sarap sarap dito sa kama mo eh." Parang bata na ngumiti si Elmo at hinapit pa siya palapit.
"Gaano ka katagal na gising?" Di matiis na tanong ni Julie. Muhka kasing kanina pa nakabuka ang mata nito.
Pero pupungay pungay ang mata na ngumisi lang sa kanya ang lalaki. "Ewan. Siguro mga isang oras na?"
"Isang oras tapos di ka pa bumabangon?"
"Bakit ba. Sarap mo titigan eh." Elmo smirked and leaned in to nip her lips. "Bakit ganito kaganda labi mo?"
"Inggit ka?" Nangaasar na sabi ni Julie bago tinulak palayo ang muhka ng lalaki. She swung her legs around the bed.
Napangiwi siya sa ginawa bago lumingon at sinimangutan si Elmo na preskong nakahiga na sa kama, ang kamay ay nasa likod ng ulo.
"O ano nanaman ginawa ko?" Elmo asked in an amused tone.
"Ang hapdi kasi." Irap ni Julie bago iika ika na pumunta sa banyo.
Naghilamos muna siya at naghugas. Medyo mahapdi talaga.
Paglabas ay nakita niyang nagcecellphone si Elmo. Rules of Sirvival sa pagkakaalam niya sa music.
"Wala ka talaga balak tumayo dyan?" She asked as she grabbed some clothes from her closet and started putting them on. Hindi naman na siya nahihiya sa lalaki. Bakit pa ba diba.
"Mamayang tanghali pa naman yung dating ng parents mo diba." Elmo smiled. He placed his phone on the bed side table and looked at her with a smirk on his face.
Nakapagwapong nilalang talaga. Kaya si Julie na ang unang nag iwas ng tingin dahil yari nanaman siya kapag tinitigan niya ito ng matagal.
"Magbihis ka na at dadaan ako sa clinic...magpapaprescribe na ako ng pills. Ikaw din...pwede naman wag na lang."
"Ito na po." Mabilis na napatayo sa kama si Elmo at kaagad dinampot ang mga damit bago nagsimula magbihis.
Julie smirked to herself. She felt so powerful.
Siya na ang nagluto ng kanilang breakfast at ang lalaki naman ay preskong presko siyang pinapanuod habang nakaupo lang sa may bar stool.
"Sasama ka ba sa akin?" Julie asked him as she whipped out the eggs and started frying them in the pan.
"Papayag ka ba na sumama ako?" Elmo asked as he looked back at her and drank from his cup of coffee.
"Bakit, mapipigilan ba kita?" Balik tanong pa ni Julie habang linalagay yung itlog sa harap ni Elmo.
Isang ngisi lang ang sagot ni Elmo. Yung ngisi na para bang sinasabi na panalo naman na siya. Kaya bumuntong hininga si Julie at muling nagsalita.
"Pak, hindi ka pwede sumama kasi baka may makakita. Anong iisipin ng tao kapag nakita nila ako na pumasok sa isang clinic na kasama ka?"
"That you're pregnant." Muli ay nakangisi na sabi ni Elmo.
"O alam mo naman pala eh. Umuwi ka na lang muna sa inyo." Sabi pa ni Julie at umupo sa harap ng lalaki. "Hindi ka ba hinahanap nila Joe?"
"Basta may pagkain yung mga iyon okay na." Elmo said as he drank from his coffee. Saka nito muli siya hinarap. "And your parents are expecting me. Ako daw kasama magsundo sa kanila."
"Ginayuma mo magulang ko no?" Natatawa na tanong ni Julie Anne habang umuupo sa tabi ng lalaki.
Imbis na sumagot ay lumapit lang ito at pinatakan ng halik ang tuktok ng kanyang ilong.
Smiling, Julie shook her head and pushed his face away again. Wala kasi ito ginawa kundi ngumisi.
"Magkita na lang tayo sa airport okay? Una na ako." She said before taking just a bite out of the eggs.
"Di ka kumain!"
"Mamaya na!" Julie yelled and headed upstairs to get dressed.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
"Thank you doc."
"Ang bili ko sayo iha ah." Sabi ng doctor sa clinic. Julie only smiled back before she exited the clinic and out into the streets.
Napatingin siya sa orasan niya. May oras pa bago kailangan sunduin ang magulang niya mula sa airport.
Iniisip niya kung uuwi muna siya para kumain o sa restaurant na lamang sa paligid siya kakain.
Nagdedesisyon pa siya nang may marinig siyang boses.
"Miss miss, pwede pengeng digits?"
Nakahanda na ang simangot sa muhka niya para sa lalaki nang makitang kilala naman pala niya ito.
"What are you doing here?" She asked him as she slapped his arm.
Natatawang dumeretso ng tayo si Elmo mula sa pagkakasandal sa dingding. "Sinabi mo sa akin kung saang clinic ka diba? So I came here after you left."
"Alam mo ikaw ang clingy mo." Ani Julie habang sinisimangutan ang lalaki. "One week pa."
"Pwede naman may condom diba? Good boy ako." Ani pa Elmo at tinaas ang kamay.
Lintik kung hindi lang talaga cute ang lalaking ito!
"Kain muna tayo nagugutom na ako eh."
"Ayan di ka kasi kumain ng breakfast ano ba naman Pak, tara kakain na tayo bilis." Ani Elmo at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Julie.
Derederetso na sana sila patungo sa kotse ng lalaki na naka park sa isang gilid nang maramdaman na lang ni Julie na tinutulak siya ni Elmo sa kung saan.
"Aray! Pak ano ba!"
"Shhh!"
Nang maka deretso si Julie ay doon lang niya napagtanto na nasa loob na sila ng isang drugstore.
"What gives?!"
"Si Joe nakita ko sa labas!" Elmo said.
Sa sinabi nito ay nanahimik na rin si Julie Anne. Magsasalita pa sana siya nang bumukas na ulit ang pintuan ng drug store.
Patay.
"Sabi ko na kayo yung nakita ko eh!"
Elmo and Julie turned to each other as Joe stood there in front of them.
Saka naman tila gimbal na tiningnan sila ni Joe nang pabalik balik. "Nako doon ka kayla Julie natutulog Moe no?!"
Julie stilled in her position as she looked at Joe then Elmo who was still a little frozen in his spot.
"H-hindi ah!" Elmo was able to stutter out as he looked at him. "Nag hotel ako ang dami ko kasi hinahabol sa trabaho." Sana gumana. Sana.
Pero siyempre ay muhkang hindi pa rin convinced si Joe.
Pinagtitingnan na nga sila ng mga tao sa pharmacy eh.
"Oo nga." Segundo na ni Julie baka sakalin maniwala na sa kanila ang kaibigan ni Elmo. "Bakit naman siya doon sa amin matutulog diba? Nagkita lang talaga kami ngayon kasi sunduin namin parents ko sa airport mamaya."
Joe still didn't look convinced. Pero hindi rin naman ito umiimik.
"So...deretso na kayo airport ngayon?" Tila nangiinterview na tanong ni Joe.
"Kakain muna." Ani Elmo.
Joe looked at them. Para talagang hinuhuli sila nito. "Sige. May aayusin pa ako sa trabaho eh. Kahit Linggo hmp." And he looked at them again both before bidding them goodbye and walking out of the door.
Sa wakas ay nakahinga ng maluwag si Julie at Elmo.
"Mas lalo ata tayo nahahanap kapag nagtatago." Julie said.
And Elmo looked back at her. "So...wag na lang tayo magtago?"
"Tseh. Tara na nga. Nagugutom na talaga ako."
"Teka." Pigil pa ni Elmo sa kanya. And she looked back at him before he spoke again. "Bilhin na natin yung pills mo. Tapos mg sstock na ako ng condom."
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
"Anakkk!" Masayang bati ni Myrna nang makita ang anak sa may airport.
Yumakap nang mahigpit si Julie sa nanay bago kay Junico na naghihintay sa isang gilid.
"Aba talaga namang namiss ko itong anak ko." Maligalig na sabi ni Junico at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Julie.
Saka naman napabaling ang tingin nito kay Elmo.
"Maaasahan ka talaga anak!"
"Ako pa tito." Elmo smiled as he helped with the luggage.
At sabay sabay sila dumeretso papunta sa kung nasaan ang kotse ni Elmo.
"Kamusta naman ang Cebu?" Julie excitedly asked.
"Nako ang linis talaga doon anak!" Maligalig na sabi ni Myrna. "Sa susunod kasama na kayo ni Elmo."
"Ma!"
"O bakit?" Natatawa na sabi ni Myrna. "Wala naman ako sinabi ah. Saka wala ka naman na boyfriend anak. Pwede na kayo ni Elmo."
"Approve ako dyan! Gwapo magiging manungang ko!" Sabi pa ni Junico na nasa may passenger seat.
Elmo merely smiled as he looked at them from the rear view mirror.
"Hindi po kami ganun okay?" Sabi pa ni Julie. Nagtama pa ang tingin nila sa salamin ng sasakyan pero siya na ang unang nag iwas ng tingin.
Dumeretso na sila kaagad sa bahay ng mga San Jose dahil gusto magpahinga ng magulang ni Julie mula sa byahe.
"O anak. Entertain mo muna bisita natin ah. Pahinga lang kami." Myrna said.
Junico and Elmo high fived each other before the former followed his wife upstairs.
Saka naman nagkatinginan si Julie at Elmo habang nakaupo sa sofa sa living room.
May juice at biskwit lang sa harap nila at ayun na rin ang nagsilbing meryenda nilang dalawa.
"Sorry about Mama and Papa." Ani pa Julie. "Naniniwala kasi yang dalawang yan sa happy ending eh."
Mahinang natawa si Elmo at uminom mula sa baso ng juice. "Bakit ikaw ba naniniwala?"
Julie looked back at him and saw that he was seriously looking at her.
She sighed as she rested back on the couch.
"Hmm...sa ngayon hindi. I mean...para siyang brand ng isang bagay. Kumbaga hindi lahat ay para doon. Don't get me wrong, nakikita ko naman sa Mama at Papa ko iyon pero sa akin parang hindi ko nakikita eh."
Lalo na at kakagaling pa kang niya sa break up.
Elmo drank from his juice yet again as he too looked back at her.
Pero hindi muna siya nagsalita kaya si Julie na ang mulingnagtanong.
"Ikaw? Hindi ka naniniwala?"
Elmo looked at her first. Muhkang tinatantya nito ang magiging reaksyon niya sa sasabihin nito.
Pero maya maya lang ay nagbitaw na din ito ng mga salita.
"Kung meron man, baka hindi rin para sa akin." He said. "I mean, the only girl I ever loved couldn't even defend me from her family."
Huminga ito ng malalim bago tinuloy ang sasabihin.
"Tapos, yung parents ko din. Buti na lang talaga nagkita sila kasi di ako magagawa eh. Pero hanggang doon na lang yon. Para bang ginawa lang talaga nila ako tapos ayun na. Tapos na."
Hindi nanaman makasagot si Julie. This was a different side to Elmo. He looked so vulnerable.
"Kaya ka ba naging palikero?" It may have seemed like a tease but she was serious in her question.
At muhkang naiintindihan naman ni Elmo na hindi siya nakikipag gaguhan kaya sumagot na ito.
"Ewan? But it's not like I go around breaking hearts or anything. Yung mga babaeng nakakasama ko, alam naman nilang fling lang ang lahat."
Julie nodded her head at that. "Yung tayo...this is just...sex right?"
Elmo looked back at her, once again as if he was thinking of answer before he finally nodded his head. "Yeah."
"Mabuti nang pareho din tayo ng pagkakaintindi." Julie replied as she too drank from her juice.
Mas mainam kasi walang masasaktan diba?
Mahirap din talaga kapag naranasan mo ang mga bagay bagay na minsan ay magiiwan talaga ng pilat sa puso at isipan mo. Maaalala at maaalala mo lalo na at may bakas pa.
"Grabe din yung first love mo ah." Natatawa na lang na sabi ni Julie. "Natuto ka talaga eh. Kung kilala ko lang siya pagsasabihan ko talaga siya. 'Trinauma mo Pak ko'." Kunwaring sabi niya sabay tawa.
Mahinang natawa din si Elmo. "Sira ulo ka talaga..." Anito sabay tingin sa kanya. Parang may gusto pa ito sabihin pero tumigil at hindi na tinuloy.
It was here that he placed his empty glass on the table. "Tutulong ako mag imis tapos sibat na muna ako."
"Wag na ako na dito." Julie offered. "Sige na pahinga ka na. Di ka pa nakakauwi sa inyo." She smirked and whispered.
Ngumisi lang din pabalik sa kanya si Elmo bago umayos ng tayo at tumango. "Okay. I'll see you at work na lang?"
Julie nodded her head as she looked back at him. "See you."
Hinatid niya ito sa may gate nila.
Elmo looked back at her. He reached out to caress her cheek but stopped midway. His hand fell down to his side and he only smiled simply at her before turning away and walking back to his car.
This was good. At least nakapagusap sila nang walang distractions gaya ng...sex.
Mabuti na ang maliwanag ang lahat para walang masasaktan sa dulo.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
AN: O wala daw masasaktan hahaha!
Mwahugz!
-BundokPuno<3