Rizlan's POV "Sir, hindi pa rin ho namin nahanap si ma'am Brittany." Masama ang tingin na ipinukol ko sa private investigator. "Kung gano'n, ano pa ang ginagawa mo rito? Go find her! Huwag kayong tumigil hangga't hindi niyo siya nahahanap!" "Sir, halos nalibot na namin ang buong lupain ng Pilipinas. Huwag niyo hong sabihing pati dagat—" "Yes!" gigil na singhal ko. The guy stiffened. "Kung kailangan ninyong sisirin lahat ng parte ng dagat dito sa Pilipinas, gawin niyo! Binabayaran ko kayo nang malaki kaya gawin niyo rin nang maayos ang trabaho ninyo!" "Yes, sir." Kaagad itong tumalikod. Nanghihina akong napaupo sa swivel chair at hinilot ang kumikirot kong sintido. It's been a month! Pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita kay Brittany. Jesus! Para na akong mababaliw kakaisip

