Ang hirap din pala kapag yung jowa mo ay isang CEO. Palagi na lang walang oras. Nasa Palawan nga pala ngayon si Rizlan, may business kemerot at sa susunod na araw pa ang balik. Umalis siya kaninang madaling araw. Na-miss ko nga, eh. Hindi kasi siya dito natulog. Bawal pa kaming maglabing-labing hangga't hindi pa kami kasal. That's my number one rule. Gusto ko lang makasigurado na hindi lang ang pempem ko ang kaniyang habol. Medyo nagtampo ako sa kaniya ngayon kaya hindi ko siya ni-text. Sabi niya kasi, gagawin niya akong sekretarya pero si Steffano naman ang isinama niya sa Palawan. Inalis niya lang yata ako sa trabaho ko kay Lucas para gawing tambay. Nakakabagot lalo na't sana'y akong may ginagawa. Bahala siya sa buhay niya doon. Aaliwin ko na lang din ang sarili ko. Total e, nag-iwan

