5th chapter

1500 Words
Did my boyfriend really cheat on me? Was I really deceived by the one I trusted? Iyon ang tanong ko habang tila wala sa sariling naglakad. I was wondering, asking, kung kaya ba hindi ko siya makontak buong linggo ay dahil kay ma'am Cheska? Kaya ba hindi niya sinasagot ang tawag ko kanina dahil lihim pala silang nagkikita? 'No. Baka maayos lang talaga ang pakikitungo niya kay ma'am Cheska, kasi, syempre, may-ari ito ng hotel na pinagtatrabahuan niya,' pangungumbinsi ng kabilang isip ko na pilit ko namang sinasang-ayunan. Gusto ko mang lumapit kay Raven, komprotahin siya para malinawan ako pero ayoko namang magmukhang tanga roon sa harap ng mga kasama niya lalo na't naroon pa si Mr. Mahmoud. Ayoko ring mapahiya siya. Bumalik ako sa table namin, bitbit ang bigat sa dibdib. Kinusot ko ang mga matang nagsimula nang mag-ulap saka ko dinampot ang baso sa mesa namin at sunud-sunod na nilagok ang lamang alak. Inubos ko, sinimot hanggang huling patak. Saka ko pabagsak na nilapag sa mesa ang baso. "Hoy! Gagi akala ko si Elisa, ikaw pala, Britt!" gulat ni Gabrielle. Napanganga pa siya nang makitang inubos ko pati ang hard drink ni Elisa na naiwan sa mesa namin. "Anyare ba't ang lakas mo nang uminom? Nakapag-wiwi ka na ba?" Hindi ako sumagot. Sumulyap ako sa gawi ni Raven. Nakita ko siyang tumayo, kasunod ni ma'am Cheska. Aalis sila? Silang dalawa lang?! Huminga ako nang malalim saka nilingon si Gabrielle na nagtataka nang nakatingin sa akin. "Ano'ng nangyari sa 'yo?" Nanginginig ang mga labi ko kaya pinipigilan ko ang sarili na magsalita, baka kasi mapahikbi lang ako. Nilingon ko ulit si Raven, sinusundan ng tingin ang pag-alis nila. May pahawak pa sa beywang si Raven sa babae. Tapos ang babae ay pumupulupot naman sa braso niya. Parang hindi na yata tama. s**t, s**t! Ang dibdib ko! "Uhh, G-Gab, hindi pa ako nakapag-restroom. Punta muna ako, ha? Bantayan mo muna si Elisa." Tinuro ko si Elisa para mabaling doon ang atensyon ni Gabrielle. Tumango naman siya. Saka lang ako nagmamadaling umalis. Nagmadali akong naglakad kahit halos masubsob na ako dahil sa pagkakahilo. Naabutan ko sa parking lot ang dalawa. At kita mismo ng mga mata ko kung paano inilingkis ni ma'am Cheska ang mga braso sa leeg ng boyfriend ko, puno iyon ng lambing. At kung paano naman hapitin ni Raven sa beywang ang babae habang puno ng paghanga sa mga mata. "I love you, babe." "I love you too." Para akong nasampal sa mukha gamit ang makapal na kaldero. Nakakamanhid yung sakit. Namanhid lahat sa akin maliban sa puso kong nagutay-gutay na ngayon. So this is what it's like, huh? This is what it feels like to be cheated on! Nakakamatay! How dare you, Raven! Dinakot ko ang dibdib ko nang makita kong hinalikan ni Raven si ma'am Cheska. Marubdob, mapusok. Kitang-kita ko rin sa galaw ni Cheska na gutom na gutom din sa halik ng aking boyfriend. Inaangkin niya ang mga labi ng kasintahan ko! Ang mga labing akala ko ay akin lang, piste! Humikbi ako sabay tago ko sa likod ng poste. Ito na ba yung tinatawag nilang love hurt? Takte para akong pinapatay, ah! Ang lala pala ng sakit! "Babe," narinig kong bigkas ni ma'am Cheska. "I think I saw your girlfriend kanina." "Huh?" Tila huminto saglit sa pagdaloy ang mga luha ko at ang tainga ko ay parang inunat papunta sa kanila. "Yung girlfriend mo na taga-isla." "What? Saan mo siya nakita?" nag-aalala nang tanong ni Raven. "At my hotel, hanging out with the receptionists. Have you reviewed the new hires from this month? Baka isa siya sa natanggap." "H-hindi ko pa na check." "Let's check it then. Sumama ka na lang sa akin pauwi." "Pero sasamahan ko pa ang dad mo..." "I'll just text him na lang para mainform siya. Don't worry, he'll understand." "Okay, babe." Pumapanting ang tainga ko sa kanila. Ang arte pa ng tawagan. Nang matahimik ang dalawa ay napasilip ako, at nakita kong nasa malayo na ang tingin ni Raven, tulala. "Babe..." malambing na usal ni ma'am Cheska habang hinahaplos ang pisngi ng kasintahan ko. "Nalilito ako kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya." "I told you to break up with her already. Why drag it out this far? Doon din naman kayo tutungo, ah? Sa paghihiwalay. Aminin mo na lang sa kaniya." "Cheska—" "What? Don't tell me siya ang pipiliin mo? Ikakasal na tayo, Raven." Ikakasal?! Potangina naman! Alam ni ma'am Cheska na may girlfriend si Raven pero pinatulan niya! Naubusan na ba siya ng lalaki?! At ito namang tarantado kong boyfriend, napakawalang-hiya! Pinapaniwala niya akong pakakasalan niya, pero ikakasal na pala siya sa iba!? "No. Syempre ikaw ang pipiliin ko Ikaw ang mahal ko, Cheska." Argh! This is too much! The pain is too much. It's suffocating. Hirap na akong huminga sa sobrang paninikip ng dibdib ko. Sumandal ulit ako sa likod ng poste. Nang marinig ko ang pag-alis ng sasakyan nila ay saka muling nagkarerahan ang mga luha ko. Muntik na akong humagulhol kung hindi ko lang agad napansin sa harapan ko ang isang malaki at matangkad na bulto ng lalaking nakapamulsa habang pinapanood ako. Umurong bigla ang mga luha ko, napaayos din ako ng tayo. "Here," malalim ang boses na aniya sabay abot sa akin ng kaniyang puting panyo. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba. Bakit ko naman tatanggapin?! Galing iyan sa Daddy ng babaeng umagaw sa boyfriend ko! Marumi yan! Kasing dumi ng budhi nilang mga Mahmoud! Pero tinanggap ko pa rin. Wala kasi akong dalang panyo na masisingahan ko ng sipon. "Thanks," malamig na saad ko at nilampasan siya. "Bakit ka umiiyak?" Napatigil ako sa tanong niya at dahan-dahan na humarap sa kaniya. "Tell me, si Raven ba ang iniyakan mo? Kaanu-ano mo siya?" "Tatay ko." Napahilamos siya sa kaniyang mukha gamit ang malapad niyang palad. Pagkatapos ay tiningnan niya ako nang masama. "Seryoso ako, Miss Dela Peña! Kaanu-ano mo ang boyfriend ng anak ko?" "Tingin niyo ho, bakit nga ba ako umiiyak? Kung kapatid o kaibigan ko lang naman si Raven, bakit ko siya iniiyakan nang ganito? Sir?" Tumalim ang tingin niya. "May relasyon kayong dalawa? Kailan pa? Alam ng lahat sa hotel na boyfriend ng anak ko si Raven." Kumuyom ang palad ko, sobrang higpit. "Sinasabi niyo bang ako ang nang-agaw?! Wow, sir. Salamat dito sa panyo niyo, ha!" Siningahan ko ito sa sobrang inis. Pagkatapos ay tiningnan ko siya. "Tanungin niyo ho ang magaling ninyong anak. I'm sure may sagot siya diyan." Tatalikuran ko na siya nang pigilan niya ako sa braso. "Bitiwan mo 'ko!" Nagpumiglas ako, nagwala. Dahil na rin siguro sa alak sa aking sistema ay nawalan na ako ng kontrol at pinagsusuntok siya sa malapad niyang dibdib. Sa kaniya ko inilabas lahat. Hinayaan naman niya ako. "Anniversary na namin bukas! Second anniversary, sir!" Humagulhol ako. "Nagsikap ako na makapasa at matanggap sa hotel ninyo, dahil gusto kong makasama araw-araw ang boyfriend ko! Tapos ito lang ang madadatnan ko rito?! Ang malaman na ikakasal na siya sa iba?! Bakit? Dahil ba hindi ako sapat? Hindi mayaman? Hindi maganda? Hindi magaling?" Natawa ako sa huling sinabi ko saka tumangu-tango sa sarili. "Tama, hindi siya nakontento sa kayang ibigay ko sa kaniya kaya siya naghanap ng iba. Tangina niya! Pwes, patutunayan ko sa kaniya na kaya kong magpaligaya ng lalaki kahit walang s*x!" Pagkasabi no'n ay bigla na lamang akong lumuhod sa harap ni Sir at tinanggal ang belt niya. Halos mapalundag siya sa gulat. Pinigilan niya ang kamay ko at hinatak ako patayo. "You're just drunk. Ihahatid na kita." "Bitiwan niyo 'ko, sir! Papatunayan kong magaling at masarap ako! Ipapatikim ko sa'yo yun!" "f**k!" biglang mura niya habang patuloy sa pagkaladkad sa akin. "Ano ba?!" sikmat ko sa kaniya nang patulak niya akong isinakay sa passengers seat ng kaniyang sasakyan. Umikot siya sa kabila at sumakay din. "Bababa ako!" matigas kong sabi. "Matulog ka na. Masyado ka nang lasing." "Hindi ako lasing! Kaya ko pa at kaya ko pang kumain ng saging!" Dinakma ko ang malaking bukol sa kaniyang harapan na ikinaungol niya. Matigas na agad iyon at halos punitin na ang nakaharang na tela rito upang makalabas ito. "I can tell you're turned on, Mr. Mahmoud. Do you want me to touch you more?" mapang-akit na tanong ko sa kaniya. "Brittany, I'm warning you!" mariing banta niya. Ngumisi lang ako at dahan-dahan na binuksan ang kaniyang zipper. Inilabas ko agad ang kaniyang sandata na halos lumundag n mula sa ilalim ng kaniyang boxer. Umigting ang kaniyang panga nang mahawakan ko ang kahabaan niya. Sobrang laki nito, sobrang tigas. Halos hindi ito masakop ng palad ko dahil sa katabaan. Kakasya ba to sa bibig ko? Parang patula na, ah! "Brittany," angal niya pero wala rin namang nagawa nang sinimulan kong hagurin ang kaniyang p*********i. Alam kong nagugustuhan na rin niya ang ginagawa ko. At papatunayan ko sa kaniya na magaling ako. At ikaw, Cheska Mahmoud, nagkakamali ka ng inagawan. Dahil sa ginawa mo, Daddy mo ang magiging kabayaran!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD