"Bukas na ang balik ko sa Manila, Brittany," sabi ni Sir habang ninanamnam ang paghalik niya sa likod ng palad ko. Nakaupo kami ngayon sa buhangin dito sa dalampasigan, nakatingin sa papalubog na araw. Katatapos lang naming mag-swimming, may towel pareho sa likod namin pero hindi pa kami nakakapagbanlaw. Hinintay naming dumilim ang paligid, gusto niya raw kasing manood ng sunset. Sa kagaya niyang palaging busy, bihira niya lang maranasan ang ganitong moment. Puro na lang nasa computer at mga papeles ang mukha niya. Laging nasa opisina, nasa kwarto at nagtatrabaho. "Gano'n ba? Ingat ho sa byahe." Mahina ang pagkakasabi ko non, para kasing ang bigat sa dibdib. "I want you to come with me, Brittany." Kumabog ang dibdib ko na napatingin sa kaniya. Hindi naman siya lumingon sa akin. Nanat

