“Fri, Vi! Ano ba! Huwag na kasi!” Sapilitan nila akong hinila papasok rito sa loob ng building ng BS Marketing! Nakakahiya kasi patingin-tingin na sa ‘min yung mga estudyanteng nakakasalubong namin. Paano, pumapalag ako habang ito namang dalawa, tig-isang hatak-hatak yung kamay ko. “Anong huwag na? Hindi pwede!” Umiiling na hinatak naman ako ni Friday paakyat ng hagdanan. Hindi ako makapalag! Pa’no kung malaglag kami di ba? “Dapat mahuli natin sa akto ang lalaking ‘yon para may ebidensya!” Ebidensya kaagad? Di pa nga kami sigurado kung anong nangyari kay Levi. Ang advance talaga nila mag-isip. “Pst! Hoy, ikaw!” Huminto yung estudyanteng tinawag ni Violet. Tinuro pa nito ang sarili at lumingon-lingon sa paligid. “Oo nga ikaw! Bilisan mo! Lumapit ka rito!” Kaagad naman nagpaalam

