“Jerome, tara na.” Hinawakan ko siya sa braso at hinila papunta sa sasakyan para ‘di na humaba pa ang usapan. “Get in,” utos ko sabay binuksan at pinagtulukan siya papasok sa driver’s seat. Lumingon pa si Jerome kay Levi bago sumakay. Hindi ko na nakita anong naging reaksyon ni Levi dahil umikot na ako papunta sa shotgun sear at sumakay doon. Lumingon ako sa likuran nang umaandar na ang sasakyan namin at nakitang nakatayo pa rin siya roon. “Mommy! Tito Jerome!” Tuwang-tuwang tumakbo pasalubong sa ‘min si Laura pagkalabas sa classroom ng nursery. Itinaas niya ang mga kamay para magpakarga kay Jerome. “Where have you been, Tito! Ang tagal mo ko ‘di ni-visit, ah!” Dahil kakaunti lang naman ang mga kaibigan ko, naging malapit rin talaga si Laura sa mga ito. “Naku, sorry, baby… nag-work

