Dahan-dahan akong dumilat nang magising ako mula sa mararahang haplos sa ‘king buhok. Bumungad sa ‘kin ang nakangiting mukha ni Levi. Ilang beses akong napakurap-kurap bago umangat ang kamay ko para haplusin ang pisngi niya kung totoo ba ‘to o panaginip lang. “Good morning…” he said, kissing my hair. He’s real. He’s here beside me! Ibinaon ko kaagad ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Huminga ako ng malalim para langhapin ang amoy niya. I missed him so much. Sa loob ng mahigit dalawang linggong pag-wo-workshop niya, ang bakas ng pinaghigaan niya sa kama na lang namumulat ko. Pakiramdam ko ang tagal-tagal ko na siyang hindi nakakasama. “Bakit nandito ka pa?” Niyakap ko ang braso ko sa katawan niya. “Ayaw mo ba?” Bahagya siyang natawa nang tumingala ako sa kaniya at ngumuso. “Syempre,

