"Bakit naman kasi siya magagalit ng walang dahilan? Ano 'yon siraulo?" Violet sipped on her espresso.
Umiirap na sumalong-baba ang katabi niyang si Friday. "Argh! That's what I hate about Rocket too! Bigla magagalit ng walang dahilan! Tapos ang cold!"
It's saturday night. Ngayon yung sleep over na sinet-up ni Genesis. At nandito kami sa Starbucks. Nagkayayaan dito after namin ma-bored sa paglalaro ng board games. Hindi na kami uminom tulad ng gusto mangyari ni Violet, nagkatamaran na bumili ng alak.
"Teka nga, sino ba 'yang lalaki na yan kasi... kanina pa kami nagkukukuda dito di man lang namin knows ang namesung niyan." Violet said, her brows furrowed.
Lumingo sa 'kin si Genesis sabay ngumisi. Siya kasi ang pasimuno ng pagku-kwento sa dalawa. Sa aming apat ako yung pinaka-lowkey pagdating sa personal na bagay at problema. I'd rather keep it to myself than to tell anyone and be a burden to them.
"Si Levi. The guy I introduced to you girls, at Toph's party," sagot ni Gene.
Kunot noong nagkatinginan pa si Violet at Friday bago parehong namilog ang mga mata at parang mga Marites na pinag-gitnaan ako at walang tigil sa pagtatanong.
"Legit ba, ses? Yung matangkad na meztiso yon, diba! Gossssh! Ang yummy nun, Jane!" Tili ni Violet na hinampas pa ang braso ko.
"Tell us more... ano kayo na?" Impatient na tanong naman ni Friday.
Napahilot ako sa sintido ko. Tatawa-tawa pa si Genesis.
"Hindi kami, okay? At hindi 'yon consider na date. Levi just want to repay the favor he ask last time. Walang halong malisya 'yon."
"Walang halong malisya?" Hindi naniniwalang turan ni Violet. "Hindi date? Eh, bakit ka affected?"
"I'm not affected, okay?"
Madalas masyadong advance at malawak ang imagination nila. Nagtaka lang ako sa ikinilos ni Levi. Iniisip nila kami kaagad? As if patulan ako no'n. He's famous and I'm just a nobody.
"Hindi?" Tumawa si Friday. "Come on, Janey.. I've been there.. the indenial stage ever!"
My brow furrowed. "It's different, Fri. Ikaw at si Rocket, una pa lang attracted na kayo sa isa't isa at tumagal lang na maging kayo kasi dense ka."
"Me? Dense?" Maarteng tinuro niya ang sarili. "Ang sabihin mo, malakas talaga sira ng mga lalaking 'yan. Bakit kasi 'di na lang tayo diretsuhin if they liked us, you know? Pinapasakit pa ulo natin, my gosh!"
"Kasi naman.. ang hihina niyo!" Singit ni Violet na isa-isa kaming tinuro. "Hindi naman mahirap magtanong. At hindi naman kasi dapat palaging lalaki ang gumagawa ng first move!"
"It's easy for you to say that, Vi," umiirap na sagot dito ni Friday. "We're not like you. We're dalagang filipina."
"Arte mo! Pare-parehas lang rin naman tayong may kalandian sa katawan. Pa-demure lang kayo! Lalo ka na!"
"Hep! That's enough.." awat ni Genesis sa dalawa sabay bumaling sa 'kin. "I've met Levi last year.. he seems cool naman. Ano ba kasi nangyari after niyo kumain?"
I sighed. "Sumakay kami ng tricycle palabas ng subdivision then pagbababa namin I told him, ako na magbabayad ng tricycle kasi siya na nagbayad ng food namin. After nun... hindi na siya nagsalita."
Napahaplos si Genesis sa chin niya bago sumipsip sa Frappe. "Well... bago 'yon ano pa nangyari?"
"We ate.. then I asked him na mag-hati kami sa babayaran." I bit my lower. "I mean, parehas kaming estudyante. Paano na lang kung allowance pala niya pinangbayad sa food, right? And you know me, girls. Ayokong nagpapalibre talaga. I have my own money to pay my foods and bills."
Napatampal si Genesis sa noo niya. "Now I get it!"
"You get what?" My brow furrowed.
Genesis rolled her eyes. "Syempre lalaki si Levi. Iniisip siguro niya na, iniisip mo wala siyang pambayad...
"It's not what I meant.." I said softly. But come to think of it. Hind lang naman siya umimik after namin bumaba ng tricyle then pagsakay sa jeep inunahan ko pa siya magbayad. Di nga kaya nasaring ang ego niya?
"Duh, Gene! Bakit naman sa 'min ni Rocket, we do everything equally? Kung sinong magyaya, siya ang magbabayad or half-half kami. Wala naman problema." Friday joined in. "At ano namang masama if mag-share tayong mga babae sa food or kahit ilibre pa natin sila if we're capable naman! And hello? We're in the 21st century na! Where men and women are treated equally!"
Genesis shooked her head. "Fri, iba-iba ang lalaki. If nag-work sa inyo ni Rocket ang gano'n then good for you... but as for Jane's situation.. it's different. Let's say first date nila 'yon, so nagpapa-impress pa talaga si Levi niyan. But you know as you get to know each other doon niyo pa lang mapag-uusapan yung mga bagay like.. sino gagastos sa date and everything. Tapos siya pa ang nagyayang kumain sa labas di ba? Sure ako medyo natapakan ang ego nun."
"Sa true lang, ses! Kaya ako go lang sa mga treat ng boylet. Nakakatipid pa ako!" tumawa ng malakas si Violet.
Friday pouted and rolled her eyes.
Napabuntong hininga naman ako sabay napahalumbaba. What should I do now? I asked myself.
BUMALIK kami sa condo ni Genesis after namin magkape. I was lying beside Genesis, habang magkatabi naman si Violet at Friday. It's already 2 in the morning at tulog na silang lahat. Ako ito, dilat na dilat pa rin. Tumagilid ako ng higa. I really can't sleep. Malamang dahil sa coffee. Kanina ko pa pinipilit matulog pero paikot-ikot lang ako sa higaan. Bumuntong hininga ako. At sumuko na. Wala, ayaw talaga ako dalawin ng antok. Paano kaya sila nakatulog kahit uminom ng caffeine?
Bumangon na lang ako at lumabas ng kwarto. Maingat kong sinara ang pinto para hindi sila magising. Dim light mula sa lamp na nakapatong sa kitchen counter ang liwanag sa buong living area. Hindi ko na binuksan ang ilaw, kumuha ako ng fresh milk sa ref at nagsalin sa mug ko. I preferred my drinks cold. Coffee, milk, water, chocolate kahit ano pa 'yan.
Then lumabas ako ng balcony at naupo sa sahig. Sumandal ako sa pader, binaluktot ang isang tuhod at ipinatong doon ang braso ko kung saan hawak ko ang mug ng cold milk.
Tumingala ako sa mabituin na langit. Nakakakalma ang katahimik ng gabi at malamig na hanging humahaplos sa balat ko. Midnights and sunrise was my favorite hour of the day. It felt like the world was mine and mine alone and time slows down...
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pajama ko. Bahagya kong itinaas ang hawak kong mug hanggang sa nakikita na ang mabituin na langit sa background niyon. Then I took a photo and posted it on my social media Story with the caption "2am and the world slows down."
Natigilan ako nang makita kong nag-view si Levi sa story ko. I didn't expect that he would message me. I opened it quickly before I changed my mind.
Leviticus: Hey.
Ilang sandaling napatitig lang ako sa screen bago nagpasyang reply-an siya.
Jane: Hey.
Leviticus: Wala ka sa apartment?
Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman? Oh, right. Nag-story nga pala kanina si Genesis ng picture naming magkakaibigan na may caption na "Sleep over with my girls!". Nakita niya siguro.
Jane: Yeah, I'm here at Genesis's.
Kaagad siyang nagreply.
Levi: Nandito rin ako sa tropa ko, malapit lang diyan sa condo ni Gene...
Napatulala na naman ako sa cellphone. Hindi ko alam anong isasagot sa sinabi niya. Hihingi ba ako ng apology sa nangyari last time? Or should I explain myself to him, na wala ibang kahulugan kung bakit ayokong magpa-libre sa kaniya?
Nakita ko siyang nag-ta-type uli pero lumipas na ang ilang minuto wala pa ring message hanggang sa nawala na yung nakalagay na 'typing'. Inilapag ko ang cellphone sa tabi ko at ipinatong ang baba sa tuhod ko.
I sighed.
Sure I'm not pretty, I don't have a lot of admirer unlike my friends. I only had two boyfriends before, but I've never been like this... kapag may misunderstanding, I choose to be quite. Hindi ako yung tipo ng babae na nag-oopen up or worst, nanunuyo at nabobother sa isang childish fight. I know when and where to leave and that is when the water gets tough.
Kaya bakit ako ma-bo-bother sa cold treatment sa 'kin ni Levi. We just met a month ago. Went out once just to repay that favor. He will just a passerby... at sa mga oras na 'to dapat ang nasa isip ko lang ay ang training at ang paparating na volleyball tournament... there's no place for him. But as if, something will happen between us. Siguradong maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya. If one turned him down, ten women would willing to take that place...
The next few days I've found myself battling wether if I should talk to Levi or leave it that way. Baka naman kasi ako lang ‘tong nag-iisip ng kung anu-ano pero sa kaniya wala na lang pala ‘yon.
And if ever na kausapin ko siya, paano ko naman siya i-aapproach? Bigla ko na lang bang batiin kapag nagkasalubong kami sa university or dito sa building? Ano namang sasabihin ko?
What if di niya ako pansinin? Edi, napahiya pa ako ng lagay na ‘yon.
Napailing ako at tinungo yung nilulutong kong mac and cheese sa stove. Friday ngayon at bukas walang pasok. Plano kong mag-binge watch sa Netflix ng mga nirecommend na series ng friends ko. Di ko na magagawang manood uli kapag nag-start na naman ang training next month.
It will be tough, I know. Lalo natalo kami last time. Gustong bumawi ng mga ka-team mates ko and their aim was the championship.
Nang makita kong luto na ang Mac and Cheese kumuha na ako ng lalagyan. Nagsasalin ako ng pagkain sa bowl nang marinig ko na naman ang muffled music sa unit ni Levi. The song from Arthur Neri : Binhi was playing.
Kauuwi lang ba niya? Kanina pa tahimik sa unit niya.
Napatingin ako sa pader pagkatapos ay bumaba ang tingin ko sa Mac and Cheese bago kumuha ng isa pang lalagyan at nagsalin doon.
Bahala na!
I went outside my unit wearing a dolphine shorts and plain white shirts. Hawak ko ang isang bowl na may lamang Mac N Cheese. Tumitig pa ako sa nakasaradong pintuan bago kumatok.
Sa ikatlong katok, bumukas ang pinto. At nagtatakang nakatayo sa harapan ko si Levi. He was shirtless and was wearing a gray sweatpants.
Awtomatic na bumaba ang tingin ko sa katawan niya. He has a six packs abs and well built body. All the muscles and cuts where in the right proportion.
Bumalik ang tingin ko sa mukha niya nang tumikhim siya. Nakaangat ang sulok ng labing itinukod niya ang kamay sa gilid ng pinto, showing the veins on his arm.
“Yes?”
Mabilis na bumaba ang tingin ko sa dala kong Mac N Cheese para di niya makita na namumula ang mukha ko.
Damn! What’s got in my mind, para titigan ang katawan niya? Nakakahiya. Twice na niya akong nahuhuli. Ano na lang iniisip sa ‘kin ng lalaking ‘to!
“Mac and Cheese,” I said casually. “Nagluto ako then naisip kita…”
It was a wrong move, looking up to him, dahil malapit lang pala ang mukha niya sa ‘kin! Bakit naman kasi siya bahagyang yumuko! Face to face tuloy kami. Naka-zoom in ang mukha ko sa kaniya. Kitang-kita tiyak mga pores ko! At faded pimple marks. While looks so fresh and flawless, parang blackhead at parang walang pores.
“Salamat. Hindi ka na sana nag-abala pa.”
Nakahinga ako ng malalim nang lumayo siya sa ‘kin para kuhanin ang bowl. Pumasok siya sa loob at naghintay naman ako sa labas para sa bowl.
“Pasok ka muna, Jane.” Mayamaya ay sabi niya mula sa loob. “Huhugasan ko pa ‘tong pinaglagyan, eh.”
Alanganin akong sumilip sa loob unit niya at nakita siyang naroon sa lababo. “Hindi na. Ako na maghuhugas—“
“Sandali lang ‘to. Come.” Putol niya sa sinasabi ko. Lumingon siya at bahagya pang natawa. “Don’t worry di ako rapist o abductor.”
Ilang sandaling nakatayo lang ako sa labas ng pinto bago marahang tumango at pumasok sa loob ng unit niya…