“Nakausap mo na ba si Levi, Jane? This is not good. Hindi na maganda ang sinasabi ng mga tao sa ‘yo,” Genesis said, shooking her head while scrolling through her phone. Nandito kami ngayon sa Starbucks. Sinundo nila ako ni Violet sa condo dahil dalawang araw na akong nagkukulong doon pagkatapos na pumutok ang balita tungkol sa ‘min ni Levi. I had no idea who spread the rumors about us. Pero ayon sa source ni Genesis, nagsimula ang speculation ng mga fans nang maglabas ang isang gossip website ng mga larawan ni Levi na nakamask habang naka-akbay sa isang babaeng nakasuot ng cap. Naalala ko yung isang insidenteng papauwi kami ni Levi. Palingon-lingon siya sa likuran namin. Then he removed his cap and put it on me. He told me it was nothing. Alam ba niyang may nakasunod sa ‘min? “Hin

