"Alam niyo naman yung palagi kong sinasabi di ba? I-enjoy natin ang laro pero huwag niyong kalilimutan ang main goal natin."
"Yes. Cap!" Sabay-sabay na sagot namin ng mga team mates ko.
Puspusan ang practice namin sa paparating na tournament. Dahil tinalo kami ng Arellano sa huling game, mas naging eager ang mga kasama ko na ipanalo ang laban bukas. Lalo na ang team captain namin na huling taon na sa college.
"Okay! Okay!" Pumalakpak si coach Shella upang kuhanin ang atensyon ng buong team. "That's enough for today! Take a rest para kondisyon kayo bukas. You may go home."
"Bye Coach!"
Nagtapikan pa sa balikat ang mga kasama ko bago kami pumunta sa locker room. Kinuha ko ang Nike duffel bag ko para kunin ang malinis na towel doon pamunas ng pawis. May shower room dito sa gym pero nagpalit lang ako ng shirt. Sa apartment na lang ako maliligo para diretso na rin pahinga.
Naglalakad na kami ng team mates ko sa university lane, nang maalala kong nagpapachat nga pala si Mama. I took out my phone inside my bag and started typing.
Jane: Ma, katatapos lang po ng training namin.
"Ang gwapo nun 'no? Nakita nga namin nung isang araw sa KFC."
"Sila pa ba ni Cayla?"
"Sinong Cayla? Yung retokadang tourism?"
Naririnig kong usapan nina Mendiola na Tourism at ni Toledo na BS Marketing. Sumiside comment naman si Kanlas at Agustin na parehong Business Management at graduating na.
"Oo, gagu! Hindi ko nga alam anong nakita doon ni Vasquez," may bakas ng pagtataka at inggit na sagot ni Mendiola. "Hindi naman sa pag-aano pero ang daming issue nung babaeng 'yon."
"Sinong Vasquez? Yung BS Marketing? Si Levi?" Tanong ni Kanlas.
Natigilan ako at pasimple silang sinulyapan. Kilala nila si Levi? Sabagay, parang si Genesis, wala atang hindi nakakakilala sa lalaking 'yon. Siya kasi ang kinuhang student model sa mga banner at tarpauline ng Perps. At nakita ko rin noon sa socmed niya na sumasali siya sa mga male pageants.
Natuon ang atensyon ko sa cellphone nang mag-reply si Mama. Pero parang biglang luminaw ang pandinig ko sa usapan nila. Na dati naman wala akong pakialam.
Mama: Magkita kayo bukas ni Tita Gina mo.
Nagtype ako ng reply ko.
Jane: Bakit po, Ma?
Mama: Babalik na siya dito next week. May ipapabili ako sa 'yo tapos ipadala mo sa kaniya. Teka, ito.
Nagsend si Mama ng screen shots ng mga food supplements at herbal drinks na kaagad kong sinave.
"Oo, siya nga. Sino pa ba?" Tugon ni Mendiola. "Oh... ayan pala siya! Speaking..."
Nag-angat ako ng tingin. At ilang hakbang ang layo namin sa waiting shed natanawan ko ang nakatayong bulto roon.
"Ang gwapo, oh..." kinikilig na bulong ni Toledo. "Sino kayang hinihintay niyan?"
"Baka ako!" Malanding sagot ni Kanlas.
"Asa ka! Syempre ako 'yan!" Pakikipagtalo ng team captain namin na lumalabas ang tunay na kulay kapag wala sa court.
Paglabas namin ng U lane, nagbubulungan at bungisngisan pa rin sila. Niyuko ko naman ang cellphone ko at nag-pretend na hindi ko nakikita si Levi. Natigilan na lang ako nang biglang niya akong tawagin.
"Jane!"
Sabay-sabay na napalingon sa 'kin ang mga kasama ko. Napangiwi ako.
"Ayon... si Peralta naman pala ang hinihintay," panunukso nila sa 'kin. "Pano una na kami. Baka makaistorbo pa kami, eh! Bye, Jane! Balitaan mo kami!" Lumingon sila kay Levi na papalapit. "Bye, Lev!"
"Oy, ingat!" Tinanguhan sila ni Levi saka kinawayan. Huminto siya sa harapan ko at ngumiti. "Hi!"
I looked up to him, my brow furrowed. "Anong ginagawa mo dito?
"Hinihintay kita." Pinamulsa niya ang mga kamay.
I looked at my wrist watch. Nakita kong lampas alas dose na. Bumalik ang tingin ko sa kaniya. "Bakit nga?"
I was busy this past few days. Halos, wala kaming pahinga sa pag-ta-training tapos sumabay pa ang prelims. Kaya hindi na ulit nagkaroon ng chance na lumabas kami after namin mag-drive in theater. Though, he always asked me to go out, lagi lang akong tumatanggi dahil nga busy ako.
"Nagutom ako bigla," he grinned then put his hand around my shoulder casually. "Tara sa KFC. Libre kita."
Hindi ko na nagawang tumanggi nang hilahin na niya ako patawid sa kalsada. At hindi ko rin matindihan ang sarili ko. Bakit 'di ko magawang alisin ang braso niyang nakaakbay sa 'king balikat. It feels natural, na para bang matagal namin 'yong ginagawa.
Pagpasok sa KFC, pumwesto kami sa tabi ng glass. Inilapag ko ang duffel bag ko at naupo. Umupo rin si Levi sa harapan ko. Wala na gaanong tao dahil past 12MN na.
"Anong gusto mo?"
Tumingala ako sa menu na nasa counter. Kabisado ko naman na mga nandoon. Baka lang may bago.
"Zinger na lang." sagot ko.
"Wait lang. Pahawak muna nito." Ibinigay niya sa 'kin ang dala niyang susi at cellphone saka nagtungo sa cashier.
Pinagmasdan ko siya habang umoorder. He's really tall. Kaya siguro kahit simpleng white plain shirt, sweat pants at black cap ang suot kaya niyang dalhin. Mukhang fresh pa at bagong shower. Samantalang ako— gabi na, amoy araw pa rin dahil sa maghapong training.
Bumaba ang tingin ko sa cellphone niyang nag-vibrate. Naka-lock iyon pero nakita kong may notification galing sa messenger.
"May nag-message sa 'yo," sabi ko nang ilapag na Levi yung mga order namin sa table.
Umupo siya sa harapan ko at kinuha ang phone. Pansin ko kaagad ang pagkunot ng noo niya. Mabilis siyang tumipa at parang bigla akong naging invisible.
Inayos ko na lang ang pagkain habang busy siya. Pagbaba niya sa cellphone, apologetic na ngumiti siya sa 'kin at hinawakan ang mga kamay ko.
"Sorry... nag-chat yung organizer ng pageant na sasalihan ko, eh. Pero okay na." Ngumiti siya't hinawakan ang kamay ko. "Tara na. Kain na tayo."
Hindi pa man kami nagsisimula kumain nang mag-vibrate ulit ang cellphone niya. Di yon pinansin si Levi, pero di nagtagal nag-ring na ang phone niya.
Cayla's calling...
Imbes na sagutin, pinindot niya ang end button sabay nilagay sa silent ang setting.
"Bakit di mo sinagot?" Casual na tanong ko.
"Di importante." Sagot niyang pilit na ngumiti.
"Si Cayla?" I said emotionless at binalik ang tingin sa pagkain.
"Do you know her?"
I noticed a tension on the tone his voice.
I shooked my head. "Hindi. Nabanggit lang ng mga team mate ko, girlfriend mo daw."
"What?" Gulat na usal niya. "Hindi ko girlfriend 'yon..."
"Hindi? Then, what?" Lakas loob na tanong ko.
"We're just friends." He held my hand and squezzed it gently. "Hindi ko naging girlfriend si Cayla. We go out a few times pero hindi dumating na puntong pinormahan ko. Actually, wala pa akong kinonsider na girlfriend, kahit isa.
Umangat ang sulok ng labi ko. Oh, what does it mean? Pa-date-date lang siya? No strings attach? No feelings involve? Para kapag nakakita siya ng bagong prospect madali siyang makakawala?
I pulled my hands away from him. "Kumain na tayo. I need to sleep. May laban kami bukas."
"Oh.. right. Sorry." Napakamot siya sa batok at binilisan na lang kumain.
Hindi na kami nag-usap hanggang sa matapos kumain. Hinatid niya ako sa harapan ng unit ko at nanatili kami doon para magpaalam sa isa't isa.
"Thanks sa treat..." sinusian ko na ang pinto ng unit ko bago hinarap siya. "Pasok na ko sa loob."
Tumango siya subalit hinawakan rin ako sa braso para pigilan. Then he said. "Goodnight, Jane.."
"Goodnight..."
The next day, I woke early than my usual routine. Hinanda ko muna ang mga gamit ko bago naligo at nagbihis. Hindi na ako nakapag-breakfast, dumiretso na 'ko kaagad sa Perps.
Naroon na sa gym ang iba kong mga kasama nag-wawarm up. Pagkatapos no'n ay dumiretso na kami sa parking lot at sumakay sa school bus.
Marami-rami nang tao pagdating namin sa Arena. Nagkalat ang mga estudyante at supporters ng magkakatunggaling koponan. May dala pang mga banners at balloons. Lahat ay puno ng anticipation at excitement.
Pagpasok namin sa locker room, nagpalit kaagad kami ng jersey. Sa pamumuno ni Coach Shella, sabay-sabay kami nagdasal ng safety ng lahat at ang championship na matagal naming hinahangad.
Hiyawan ang sumalubong sa 'min paglabas namin sa Arena. Nilibot ko ang aking paningin, trying to looked for my friends. At natigilan ako ng mahagip ng mata ko si Genesis... hindi si Friday at Violet ang kasama niya kundi si Levi.
Saktong nakabaling ako sa direksyon nila nang lumipad ang tingin niya sa 'kin at magtama ang mga mata namin. Kumaway siya at proud na itinaas ang hawak na cartolina.
Jane, bola ka ba?
Kasi kahit saan ka magpunta hahabulin kita!
GO! PERALTA!
My gosh! Bakit ba ang hilig niya sa Tito jokes?
Tumawa si Genesis habang itinuturo si Levi na ngayon ay tumayo pa at pinakita sa mga taga-Perps na nasa likuran nito ang hawak na cartolina sabay turo sa 'kin.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin at namumula sa kahihiyan na tinakbo ang mga ka-grupo ko sa may bench.
"Ayiiiiieee! Taray ng jowa supportive!" Pang-aasar ni Mendiola pagtabi ko sa kaniya.
"Ayan, huh? Inspired si Peralta!" Segunda ni Toralba.
"Guys, short meeting!" Tawag ng aming team captain bago magsimula ang laban. "Kanlas, lalakasan mo pa ang palo mo. Medyo malamya," baling niya kay Agustin sa hitter na si Kanlas.
"Yes, Cap!"
"Peralta, alam mo saan ang posisyon mo, doon ka mag-focus."
Tumango ako. "Copy, Cap."
"Let's do this team! What's our main goal?"
"To win!" Sabay-sabay na sagot namin. Pinagpatong-patong namin ang aming mga kamay saka itinaas sa ere at nagyakapan.
Nang ipakilala ng announcer ang mga magkalabang koponan, nagpunta na kami sa gitna ng court, at nakipag-kamay sa kalabang team. Ang UE warriors.
Lumapit ang referee at nag-coin toss para malaman kung sinong team ang unang magseserve. At napunta iyon sa kalabang team.
Nag-ready kami at itinuon ang atensyon sa laro nang pumusisyo ang player na mag-se-serve ng bola. Magagaling na setter ang nasa linya kaya handa kaming lahat.
Pagkatapos pumito ng referee, malakas niyang hinampas ang bola. Kaagad tumalon si Kanlas, ang blocker ng team namin. Tinapik niya ang bola papunta sa 'kin. Tinapik ko naman 'yon papunta kay Mendiola na nagpakawala ng isang malakas na spike.
Naghiyawan ang mga tao nang masalo iyon ng kalaban at ibalik sa 'min ang bola.
Sa unang set nanalo ang UE warriors. Hindi magkamayaw sa pag-cheer ang mga estudyanteng full support sa team nila at nagsuot pa ng pulang t-shirt at may bitbit na pulang balloons.
Sa second kami ang nanalo. Hindi nagpatalo ang aming mga supporters. Malakas silang nag-che-cheer habang winawagayway ang placards at banners ng Perps.
Sa third set uminit ang laban kung saan, dikit ang score. But the fate wasn't in favor with us. Mabilis na lumamang ang UE.
“Petero goes to Alonzo, Alonzo to Ignacio, puts it away! Another point for University of the East!"
Pawis na pawis na kaming lahat at pagod na pagod. May isa pang ka-team ko ang na-injury. Si Kanlas isa sa magaling na setter na malaking kawalan sa team namin.
"Now serving, Petero Arizza, University Of the East." sabi ng announcer na nagsasalita sa microphone.
"Posisyon, guys! Kaya pa yan!" Sigaw ng team captain namin.
Bumalik kami sa posisyon nang pumwesto na ang player na mag-se-serve ng bola. Isa sa magagaling na setter ang nasa linya kaya alisto kaming lahat.
Natuon ang mata ko sa bola nang ma-i-serve 'yon at pumasok sa net. Kumilos si Agustin at tinapik ang bola papunta kay Mendiola. Humanda ang isa pa naming ka-team at nag-spike.
Pigil ang hiningang sinundan ko ang bola na lumilipad sa ere at tulad sa huling laban namin, nanlumo na lang ako nang tumama iyon sa antenna....
"It's okay, guys. Bawi na lang kayo next year." Nagyakapan kami ng mga team ko. Tapos na ang laban and sad to say natalo na naman kami.
“Mahalaga nag-enjoy tayo habang lumalaban!” Dagdag ng team captain namin.
“Oo nga! Oo nga!” Sang-ayon ng iba pa.
Nagkaroon pa ng kaunting meeting bago kami pinayagang umuwi si Coach Shella. Ang iba sa team mates ko, sumabay na sa bus pabalik ng university. Ang iba nag-stay para manood ng susunod na laban.
Habang ako, umiikot ang tingin at hinahanap si Genesis na nakita ko lang kanina. Bumaba ako sa steps, nang bigla na lang may tumakip sa mga mata ko. Mabilis akong kumilos at hinampas ang hawak kong mineral water.
“Aray ko naman!” Reklamo ni Levi.
“Bakit kasi may ganun ka pang nalalaman?” Napapailing na sabi ko nang makita siyang humahaplos sa tagilirin kung saan ko hinampas ng bote. “Nasaan si Genesis?”
“I’m here!” Niyakap ako ni Gene at inakbayan. “Oh, Janey… Are you okay?”
“I’m fine,” winasiwas ko ang kamay ko. “Hindi talaga namin ito taon… maybe, next year…” tumingala ako kay Levi. “Bakit pala kayo magkasama?”
“I asked, Gene… kung anong oras ang game mo. Panonood pala siya, kaya sumama na ako.” Ipinakita niya ang hawak na banner. “Sorry. Kagabi ko lang ‘to ginawa.”
Tumawa si Genesis at hinila kami ni Levi sa tig-isang braso at pinagtabi. “Picture ko kayo! Dali!”
“Huwag na—“
“Game!” Sigaw ni Genesis. “Jane, hawakan mo yung banner!”
Sumunod na lang ako para matapos na dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.
“Okay… 1, 2, 3… say cheese!”
Kasabay ng pagkislap ng flash ay ang biglang pag-akbay ni Levi sa ‘kin at higitin ako papalapit sa kaniya…
“Ang cute niyo!” Tili ni Genesis.
Nagkatinginan naman kami ni Levi, he was smiling from ear to ear, habang nagkatingin naman ako sa ibang direksyon, namumula ang pisngi.