Nagising akong parang ang sikip-sikip. Hindi na halos ako makahinga. Pagmulat ko nagsusumiksik pala sa akin ang mag-ama. Si Levi na nasa kanan ko na walang suot pang-itaas, nakayakap sa akin mula sa likuran. Nakasubsob ang mukha sa batok ko habang nasa loob ng tshirt ko ang isang kamay, sapo-sapo ang aking isang dibdib. Si Laura naman na nakahiga sa kabilang side ko, yakap ang maliit niyang braso sa leeg ko habang nakasiksik ang mukha sa aking pisngi at nakapatong ang paa sa beywang ko na halos masipa na palayo ang tatay niya. Maluwag naman ang kama. Queen size pa nga. Naiintindihan ko rin si Laura na sobrang clingy kasi baby pa naman siya kung tutuusin. Pero si Levi? Kagabi pa siya kung makayakap para akong mawawala. Naiiling na kinapa ko ang cellphone sa ulunan ko para tingnan n

