"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko kay Levi after niyang ilapag ang mga order namin sa table at maupo sa harapan ko.
Si Cayla na nasa cashier nakikita ko sa sulok ng aking mga mata na panay-panay ang paglingon sa 'min. Nakikipagbulungan pa doon sa isang taga-perps na tourism rin na kasama niya.
"Oo naman," sagot ni Levi na bahagyang sumulyap sa likuran namin kung saan pumwesto si Cayla at yung kasama niya. "Tara, kain na tayo?"
Tumango at pilit na ngumiti. Habang kumakain, hindi ko mapigilang sulyap-sulyapan si Levi. He became so quite. Sa tuwing mahuhuli niya akong nakatingin, bigla siyang tipid na ngingiti.
There was this urge inside of me to ask him. Anong binulong ni Cayla sa kaniya na nakapagpabago sa mood niya? May kinalaman ba doon yung session na binanggit ni Cayla?
But in the end I choose to keep my mouth shut. What if.. ayaw pala niya 'yong pag-usapan 'yon or baka naman ako lang itong kung anu-anong na-iimagine. Maybe he's really fine...
Naunang umalis sila Cayla na, nagpaalam pa kay Levi. Tumango lang siya sa dalawang babae. He did not bother to introduce me to them. Hindi ko naman rin in-expect na ipapakilala niya ako. Kung sakali man, anong sasabihin niya? Friend? Hindi naman kami friends. O neighbor na hiningan ng favor?
Hanggang sa matapos kami kumain, walang imik si Levi. Naglalakad kami sa side walk, papunta sa kanto ng apartment namin nang huminto siya pumihit paharap sa 'kin.
"Gusto mo na bang bumalik kaagad sa apartment?"
I looked up to him. "Ayaw mo pa ba umuwi?"
Umiling siya. "Ayaw pa. Kung okay lang sa 'yo... yayain sana kita mag-arcade?"
Tipid akong ngumiti at tumango sa kaniya. "Tara, ang tagal ko ng hindi nag-a-arcade."
Pinara ni Levi yung jeep na dumaan. Bumaba kami sa mall na malapit lang. Dahil siya na ang nagbayad ng food namin kanina, 'di ako pumayag na siya ulit ang magbayad ng tokens namin. Di naman siya tumanggi. Parang unti-unti nagkakaroon na kami ng mutual understanding sa mga bagay-bagay. Kapag siya ang nagbayad sa food, ako naman sa pamasahe or vise versa.
"Anong unang gusto mong laruan?" Tanong niya sa 'kin habang nag-iikot-ikot kami.
Huminto ako sa harapan ng Mortal Combat. "This one!"
"O sige! Pero dapat may deal tayo!"
Kumunot ang noo ko. "Huh? Anong deal?"
"Kung sinong mananalo... dapat may reward."
Lalong lumalim ang kunot sa noo ko. "Anong reward naman?"
Nagkibit siya ng balikat at naupo sa harapan ng arcade machine. "Depende... kung anong reward ang gusto ng winner."
Umupo ako sa tabi. Lihim ako napangisi. I could smell victory at alam ko na ang hihingin kong reward. "Okay. Deal."
Umangat ang sulok ng labi niya. "Deal!"
Hindi ko alam kung dinadaya niya ako or may cheat yung machine niya. Sa tatlong match namin, isang beses lang ako nanalo. Kahit gamit ko favorite character ko si Kitana.
"May daya ba itong machine ko?" Sinilip ko ang gilid niyon at marahang pinukpok. "Sita ata 'to, eh!"
He chuckled. "Walang ganun. Kapag talo, talo."
I rolled my eyes. "Whatever."
Tumayo ako at naglakad papunta sa ibang machine. He followed and stopped in front of me.
"Hep, nagkakalimutan ata tayo..."
I raised a brow at him. "Nagkakalimutan?"
Of course alam ko yung reward. I was just trying to ignore him, baka sakali nakalimutan niya. Hindi pala.
"Reward ko..." ngumisi siya.
Humalukipkip ako. "Okay fine. Ano bang gusto mo?"
"Kiss..." bahagya siyang yumuko at hinarap ang pisngi sa 'kin.
Lumibot ang tingin ko sa paligid. "Dito?"
Wala naman masyadong tao. Pero nakakahiya pa rin. Di naman kami mga high schools! Saka ako nga ice cream lang balak kong hinging reward. Bakit naman kiss ang gusto niya?!
"Ang tagal naman... nangangawit na ako," reklamo niya.
Wala akong nagawa kundi halikan siya ng mabilis. Pero lang bigla niya binaling ang mukha paharap sa 'kin kaya ang labi ko nag-landing sa labi niya.
Namilog ang mga mata ko at mabilis na lumayo sa kaniya sabay hinampas siya sa braso.
"Aray!" Nasasaktang daing niya. "Ang lakas naman nun."
"Alam mo, magnanakaw ka—"
"Ng halik..." dugtong niya saka ngumiti.
Namumula ang pisnging tinalikuran ko siya. Kahit di ko hilig yung larong basketball 'yon ang napagdiskitahan kong laruin para i-distract yung sarili ko.
It was just a light kissed, but enough to make me breathless. Hindi na ako inosente pagdating sa kissing. One of my EX taught me a lot of things... oo, clichè pakinggan, pero iba ang epekto ng nakaw na halik ni Levi.
"Hindi ganyan."
Sinulyapan ko si Levi na sumunod. Nakasandal siya paharap sa 'kin, nakahalukipkip at kanina pa ako pinapanood mag-shoot rito. Nakakainis walang pumapasok na bola!
I ignored him. Narinig ko na lang na marahan siyang natawa nang puro sa pader o di kaya sa ring tumatawa yung bola.
Hinarang niya yung bolang nag-bounce back papunta sa 'kin pagkatapos pumwesto siya sa likuran ko.
"Ganito kasi..." hinawakan niya ang yung kamay ko at pinosisyon. "Ayan, try mo."
Sumunod naman ako at shinoot yung bola sa ring na pumasok nga! Namimilog ang mata tumingin ako sa kaniya.
"Elibs na elibs ang atabs." Tumatawang inakbayan niya ako at hinili pa sa ibang arcade machines na naroon.
Pansamantala nalimutan ko ang pagnanakaw niya ng halik sa 'kin. We enjoyed playing bowling. Pinilit na naman niya kumuha ng stuff sa machine. And this time he succeeded though.
Hindi na namin namalayan na 10PM at papasara na ang mall. Kung di ko nga pa napansin na kami na lang ang tao sa arcade at masama na ang tingin ng stuff sa 'min, malamang ay di pa kami umalis.
Sa park kami sumunod na napadpad walking distance mula sa apartment. Tahimik kaming naupo sa magkatabing swing.
Kami na lang ang tao sa park. Mula sa mga lamp post na nakapalibot sa lugar at ang full moon ang nagbibigay liwanag madilim na gabi.
Walang nagsasalita isa man sa 'min pero wala akong nararamdamang awkwardness. Actually, I feel at peace...
"Jane..." basag niya sa katahimikan.
Tumingala ako sa mabituing langit. "Hmmm?"
"Are you busy this coming saturday?"
Nilingon ko siya. "Bakit?"
"Yayain sana kita..."
My brow furrowed. "Saan?"
"Birthday ng kapatid ko..." alanganin siyang lumingon sa 'kin. "Kung okay lang sa 'yo?"
Birthday ng kapatid niya? Meaning... naroon ang buong pamilya niya... at isasama niya ako doon?
I had a productive week.Dahil wala munang training, nakapag-focus ako sa academics. May grades akong kailangang i-maintain para hindi ako maalis sa scholarship. Kahit mahirap, nakasanayan ko ng pagsabayin ang pag-aaral at paglalaro. So far, nakakayanan ko naman.
I also went out with my friends. Lately hindi kami nagkikita masyado ng mga 'yon. Busy sa kaniya-kaniya nilang lovelife. Si Vi kay Kazu na ang balita ko isang Aviation student. Si Friday kay Rocket na Engineering at Genesis na on the rocks sa long time boyfriend niyang si Lester. Binigyan pa niya ako ng ticket for the upcoming haloween event. Iniisip ko pa lang kung isasama ko ba si Levi.
Si Levi na niyaya akong pumunta sa birthday ng kapatid niya. I actually said, yes, without thinking! Hindi ko na tuloy mabawi.
And today is Saturday! Kagabi ko pa iniisip anong susuotin ko. Wala namang nabanggit si Levi if formal party or children's party ba. He didn't even told me, ilang taon ang kapatid niya. Hindi ko rin naman naisipan itanong! Smart, right?
Bumili na lang ako ng red velvet cake at cup cakes. Para kahit paano may gift ako.
Katatapos ko lang maligo at magbihis nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto. Isinuot ko ang apple watch ko bago binuksan ang pinto.
It was Levi, smiling from ear to ear. He's wearing a black shirt with small adidas print in front partnered with denim jeans and vans old skool canvas. Maayos rin na naka-wax ang buhok.
Nakahinga ako ng maluwag sa napili kong isuot na black sleeve less bodycon na pinatungan ko ng cropped denim jacket. Puting converse naman ang suot kong shoes.
"Tapos ka na mag-ayos?"
Niluwagan ko bukas ng pinto.
"Almost. Pasok ka muna." Then went back in front of my dresser. Sinulyapan ko siya sa salamin nang maupo siya sa settee. "Ilang taon na pala yung sister mo na mag-bi-birthday?"
"Seven years old. Di ko ba nasabi sa 'yo?"
I finished wearing my teardrop gold necklace. "Hindi. Kaya hindi ko alam ang bibilhin kong gift." Tumayo ako sa harapan niya. "Cake na lang tuloy..."
He held my hand and kissed the palm. "Okay lang 'yon. Di naman mapili 'yon sa gift. Tara na?"
Tumango ako at dinampot ang baguette bag ko sa table. Kinuha ko rin ang box ng cale sa ref bago kami lumabas ng unit. Tulad noong yayain niya akong makipag-date, sa parking ulit kami dumiretso at ibang kotse naman ang dala niya ngayon. It was a black toyota sedan.
He has lots of cars. I can see that.
Pagsakay namin ng sasakyan bumiyahe na kami. Clueless ako sa uri ng family na meron siya. But based on his looks, the way he speaks and of course sa dalawang sasakyan na meron siya. At same circle ang ginagalaw nila ni Genesis...
I must say he also came from a wealthy family... libangan niya lang siguro ang magpart-time model at sumali sa mga male pageants.
"Ilan pala kayong magkakapatid?” Natanong ko nang huminto ang sasakyan namin sa stop light.
“Lima. Panganay ako. Ikaw?” Sumulyap sa ‘kin at ibinalik rin ang tingin sa daan. “Ilan ang kapatid mo?”
“Tatlo kami… I’m the eldest. Pero may anak na si Papa sa bago niyang asawa… dalawa. So, basically, lima na rin kami.”
“Separated na rin pala parents mo?”
“Oo.” Pumihit ako paharap sa kaniya, tinagilid ang aking ulo. “Ikaw rin?”
Tumango-tango si Levi. “Hindi ko na nakilala tatay ko. Iniwan niya si Mama, pinagbubuntis pa lang ako.”
“Oh… I’m sorry.” I said softly.
“Okay lang. Hindi naman na sa ‘kin big deal ‘yon.”
“Yung kapatid mong mag-bi-birthday… half sister mo siya?”
“Oo. Nag-asawa uli si Mama, eh. Pero ayon iniwan ulit. Walang kadala-dala.” Napailing siya. “Mama mo? Nag-asawa uli?“
“Hindi na. She decided to work overseas to support our needs. Si Papa lang nag-asawa ulit. Two years after ng hiwalayan nila.”
“Okay lang sa ‘yo na nag-asawa uli ang father mo?” Sandali siyang sumulyap sa ‘kin.
I shrugged. “It’s his decision. Hindi ko naman rin siya mapipigilan sa ayaw at gusto ko. It’s fine with me as long as he’s happy. I wish nothing but my parent’s happiness.”
“Me too.” Patango-tangong sagot niya.
Umandar ang sasakyan namin nang mag-green na ang stop light. Habang nasa biyahe,
I got to know more about him. Hindi kami nauubusan ng topic. Kung saan-saan na nga napunta ang usapan namin. Sa family, sa studies, mga experiences as the eldest child and past relationships. Which surprise me, dahil wala pa talaga siyang nagiging girlfriends puro flings lang daw at MU. Uso pa pala ang MU?
I could see how much he cared for his loved ones at nakikita ko rin ang mataas niyang pangarap para sa family niya. Which is nakak-relate ako bilang panganay. I got to know the real Levi not just the pretty face, golden boy Levi…
Sumungaw ako sa labas ng bintana nang bumagal ang andar ng sasakyan namin. Tabi-tabing mga bahay ang nadadaanan namin. Masikip at patakbo-takbo ang mga bata sa daan. Sa kabilang side ng lubak na kalsada ay greek na hinarangan ng mababang fences.
I looked at him. Pero diretso lang ang tingin ni Levi sa daan.
Nabanggit niya kanina bago kami pumasok sa kantong dinadaanan namin ngayon, na malapit na raw yung sa kanila.
Tumingin ulit ako sa labas ng bintana at nakita ang mga lalaking nag-iinuman sa gilid ng tindahan. Wala silang mga pang-itaas at puro tatt, malalaki ang tiyan, wala ng paglagyan ang tattoo sa katawan at mga peklat na mukhang galing sa pakikipag-basag ulo.
Nakaramdam ako ng takot nang biglang pasadahan ng tingin ng mga nag-iinom ang sasakyan namin.
Hindi kaya nagkamali lang si Levi ng dinaanan or short cut ito papunta sa subdivision na tinitirhan ng pamilya niya?
Nag-park siya malapit sa tindahang may mga nag-iinuman. Inalis niya ang sariling seat belt at bumaling sa ‘kin para alisin naman yung seat belt ko.
Hindi nagsasalitang kinuha niya ang box ng cake at bumaba para pagbuksan ako ng pinto.
Hindi ko magawang magtanong sa kaniya. Ayokong bigyan niya ng maling impression ang pagtatanong ko or worst ma-offend siya.
Pero habang tinatahak ang mas makipot na eskinitang pinasukan namin, di nawawala ang pagtataka sa isip ko.
Dito nakatira ang pamilya niya?
Pasimple kong nilibot ang aking tingin. Tulad sa dinaanan naming street kanina, nagtatakbuhan at naghahabulan ang mga bata dito. Ang iba walang damit, yung iba walang saluwal, umiiyak pa habang nakayakap sa putikan. Nakatambay sa gilid ng daan ang mga kabataang, humihithit ng sigarilyo at nag-iinuman kahit katanghaliang tapat.
“Uy, si pogi! May kasamang magandang chicks!” Pumito yung isang sa mga lalaking nag-iinuman na nadaanan namin. “Pakilala mo naman kami diyan. Minsan lang may mapadpad na magandang dilag dito! Nakakasilaw pa sa puti!“ sinundan iyon ng mga kasama niya ng malisyong ngisi.
Tiningala ko si Levi nang maramdaman kong higitin niya ako sa katawan niya. Halos masubsob ako sa kaniyang dibdib.
Kunot noong tinitigan niya yung mga nag-iinuman.
“Ang sama makatingin, ah…”
Niyakap ko siya sa beywang nang tumayo yung lalaking nagsalita. Naghahamon niyang tinitigan si Levi.
“Papalag ba ‘yan?”
“Hoy! Mga tarantado kayo, ah!” Galit na sigaw nung babaeng lumabas galing sa gate ng isang maliit na apartment. Nagmamadaling lumapit siya sa ‘min. Wala pang suot na tsinelas sa isang paa. “Kantiin niyo na lahat, huwag lang ang anak ko!” Dinuro-duro niya ng hawak na walis tambo yung mga nag-iinuman.
Natigilan ako at napatitig sa babaeng medyo chubby.
Ito ang Mama ni Levi?
She’s wearing a thin— almost see through spaghetti top. Maikli ang itim na shorts. Naka-ipit ang maikling buhok ng hair clamp. I could the resemblance of her to Levi. Fair skin complexion and pretty face.
“Ma…” naiiling na awat ni Levi sa Mama niya sabay hinawakan ito sa braso. “Halika na nga.”
“Tarantadong mga ito! Kapapanget niyo! Puro inom ang alam atupagin!” Ayaw paawat ng mama niya.
Nagtawanan yung mga tambay na lasenggero sa kanto. “Akala mo kung sinong malinis. Puta naman!”
“Anong sinabi mong ulol ka?” Nag-galawan ang muscle sa panga ni Levi. Humakbang siya para umbagan yung lalaki pero sabay namin siyang inawat ng Mama niya.
“Anak, huwag mo ng patulan. Sa gwapo mong ‘yan, lugi ka sa mukha ng mga yan na ang kakapal na ng kalyo sa pakikipag-basag ulo.”
“Your mom was right. It’s not worth it. Come on…” nag-aalalang hinila ko siya sa braso.
Bumaba ang tingin niya sa ‘kin bago ako inakbayan at hinatak palakad.
“Akala mo gwapo! Isang paligo lang naman nilamang sa ‘tin! HAHAHAHAHA!”
Dinig kong sigaw pa nung lalaki. Sinundan iyon ng tawanan ng mga kasamahan nito habang nakatalikod kami at naglalakad papunta sa apartment na nilabasan ng mama niya.
My arm on his waist tightened. Umiiling na tiningala siya. Huminga naman ng malalim si Levi at pilit na ngumiti.
Sa itsura ng mga ‘yon, parang wala mga kinatatakutan. Kahit matangkad at may katawan si Levi, ang dami naman ng mga lasenggong ‘yon. Kawawa siya kapag pinagtulungan.
“Badtrip,” marahas na sabi ni Levi pagpasok namin sa loob ng bahay nila.
Pinaupo niya ako sa sofa at itinutok sa ‘kin yung electricfan na walang cover.
I looked around. Maliit lang ang bahay nila.
Mababa ang ceiling kaya sobrang init. Iisa lang ang bintana na pwede sana pasukan ng hangin pero sobrang liit niyon. Nakabukas naman ang pinto kaya medyo ma-presko, pasilip-silip nga lang yung mga kapitbahay na tsismosa.
Magkasama na rin ang salas, dining area kitchen sa maliit na espasyo. Kahit wala masyadong gamit bukod sa maliit at maruming sofa, electricfan na walang cover, lamesang gawa sa plastic at upuan na monobloc, masikip pa rin sa loob.
“Sabi sa ‘yong mag-chat ka kapag malapit na kayo para napasundo ko kayo kay Lenard…” sabi ng Mama niyang naupo sa monobloc na nasa kusina. Bumaling siya sa ‘kin. “May gusto sa ‘kin ‘yon. Kilala ng mga taga dito ‘yon.” Proud pa na sabi niya
Alanganin akong ngumiti. Hindi ko alam anong magiging reaction o sasabihin sa Mama niya. I’m still in shocked. Unang beses kong makapunta sa ganitong lugar at maka-encounter ng mga lasenggero. Nakakatakot pala.
“Hindi na, Ma. Kaya ko naman, eh. Sana di ka na lang lumabas. Nabastos ka pa tuloy. Tangina ng mga ‘yon, eh!” Kumuyom ang kamao ni Levi na nasa kandungan niya. “Pati si Jane, binastos. Magandang chicks daw. Mga siraulo.”
Tumatawang nagpunta ang Mama niya sa kusina. “Eh, maganda naman talaga ‘yang kasama mo.” Paglabas niya may bitbit siya na makukulay at plastic na utensils. Inilapag niya ‘yon sa lamesa. “Hindi mo pa man lang pinapakilala.”
Napakamot sa ulo si Levi at bumaling sa ‘kin. “Si Jane, Ma. Nililigawan ko.”
Kamuntik na akong masamid ng lawa ko, buti nalunok ko. “Good afternoon po, Ma’am…”
“Naku, wag ng Ma’am!” Winasiwas niya ang kamay. “Nakakatanda naman ‘yan! Bagets na bagets pa ako. Tanong mo diyan kay Levi. Di ba, anak?”
“Ma… nakakahiya kay Jane,” maktol ni Levi.
“Sus! Mukha namang mabait ‘tong si Jane. Pasensya ka na sa bahay namin, ah. Pero feel at home ka lang.” pagkatapos ay kinatok niya ang maliit na pintuang gawa sa plywood. “Anak, nandito na Kuya Levi niyo!”
Bumukas ang pinto at tumakbo palabas mula doon ang tatlong batang babae. Namimilog ang mga matang yumakap at kumandong kay Levi ang mga ito.
“KUYAAAA!!” Sabay-sabay na tili ng tatlo.
“Pasalubong! Meron?” Anang pinaka-maliit. Inosente ang mga matang tumingala sa Kuya niya sabay ngumuso. “Lollipops?”
“Ako muna! Birthday ko ngayon, Kuya Lev!Kuya Lev!” Singit ng medyo mas matangkad at payat na payat na bata. Actually lahat sila payat at maliit. Di tulad ng buhok ni Levi na straight at brownish, itim na itim naman ang sa tatlong bata at kulot pa. “Sabi mo magdadala ka ng Jolibee!”
“Oo nga, Kuya!” Sang-ayon nung isa pang bata. Actually twin sister pala ang may birthday. “7th birthday pa naman namin!”
“Walang dala si Kuya, eh.” Ginulo ni Levi yung buhok nung kambal. “Pero may dalang cake si Ate Jane niyo.”
Bumaling sa ‘kin yung tatlong bata. Napangiwi ako ng halos sugurin at kumandong na rin sila sa ‘kin.
“May dala ka pong cake?”
“Anong flavor?“
“Girlfriend ka ni Kuya?”
Sunod-sunod na tanong nila.
“Ah.. eh…” sumasaklolong nilingon ko si Levi na nangingiti sa tabi ko. Mahilig ako sa bata pero hindi ko naman alam paano sila i-aapproach.
Kinuha ni Levi ang box ng cake na inilapag sa sahig. Pagtaas niya nun, namilog ang mga mata ng bata at nagtatalon sa tuwa.
“Oh, sandali lang… wag malikot. Masisira ‘tong cake.” Sumunod sa kaniya yung tatlong bata nang magpunta siya sa kusina at ilapag sa table yung cake. “Blow the candle muna. Ma, may kandila ba diyan?”
“Naku! Teka, saan ko ba nailagay yung kandila na ginamit namin nung nakaraang linggo? Excuse me, Jane, ah.” May kinuha siya sa gilid ko. “Ito pala! Ginamit namin ‘to nung isang linggo. Naputulan kami ng kuryente, eh.” Sabi pa niya sa ‘kin, nangingiti.
“Ma, akin na,” tawag ni Levi sa Mama niya, naka-stretch ang kamay, hinihingi yung kandila. “Atat na ‘tong tatlo, oh!”
Pagkalagay ni Levi ng kandila sa cake nilingon niya ako at tinawag. Tumayo naman ako at lumapit sa kanila. Hinila pa niya ako sa tabi niya.
“Oh, sing na muna ng happy birthday!” Masiglang sabi niya sa mga bata sabay akbay sa ‘kin.
“Happy birthday, happy birthday, happy birthday to youuuu!”
They blow the candle together. Their innocent eyes twinkling with happiness.
Nagliwanag ang mukha nila nang lagyan ng Mama nila sa mga nakahandang plato ng maliit na slice ng cake.
I feel bad though, sana pala mas malaking ang dinala ko. Sana nag-take out na rin ako ng food para mas masaya ang mga bata.
“Anak, wala ka bang pambili kahit pansit diyan?” Tanong bigla ng Mama niya.
“Gusto namin spaghetti, Kuya…” sabi ng isa sa kambal.
Dinukot ni Levi ang wallet niya at binuksan. Hindi ko naman sinasadyang makitang 200 pesos na lang ang laman nun.
Nag-pretend akong kumakain ng cake nang sulyapan niya ako bago kinuha ang natitirang pera sa wallet at ibinigay ‘yon sa nanay niya.
“Ito na lang pera ko, Ma. Di ba nagbigay ako sa inyo last week? Ubos na agad?” Pabulong niya yung sinabi pero narinig ko pa rin.
“Ubos na. Sa mahal ba naman ng bilihin. Ultimo tubig pang-ligo rito binibili. Naputulan pa kami. Nakisaksak nga lang ako diyan kay Aling Betcha ng extension. Isang electricfan ang lang pwede. Nagbayad ako ng isang daan.” Ibinulsa ng Mama niya yung pera.
“Hayaan niyo, may raket ako next week. Unahin mo bayaran yung kuryente, kawawa mga bata.”
“Oo syempre.” Kinuha ng Mama niya yung nakasabit na ecobag sa naka-usling pako sa pader. “Sandali, bibili mo muna akong pampansit. Hindi pa kumakain yang mga kapatid mo. Diyan muna kayo.”
Tipid ako ngumiti sa Mama niya nang lumingon siya sa ‘min.
“Bantayan mo mga kapatid mo, Lev.”
“Oo, Ma.” Tugon niya sa Mama niya bago lumabas saka binalingan ako. “Tara doon tayo sa sofa mainit dito.”
Sumunod ako sa kaniya sa sofa. Nasa sahig yung tatlong bata na nilalantakan ang cake. Sa tuwing kumakalat sa pisngi nila yung ang, kaagad pinupunasan ni Levi ng malinis na towel na kinuha sa loob ng kwarto.
Pinapanood ko lang siya paano asikasuhin ang mga kapatid niya. At di ko mapigilang humanga ngayong nakilala ko yung parte ng pagkatao niya na malayo sa pagkatao nito sa university.
Siya ang bread winner ng pamilya. At bilang nag-iisang lalaki at panganay siya na ang tumayong provider at tatay sa mga kapatid. At kahit mabigat ang responsibilidad na naka-atang sa balikat niya, he’s still has time to… worry about me, to make an effort on our date, to give me time…
Tinititigan ko siya nang bigla siyang lumingon sa ‘kin. Nahuli niya akong pinagmamasdan siya.
“Bakit?” Mapait siyang ngumiti. “Turn off kana sa ‘kin ‘no?”
My brow furrowed. “No. Of course not…”
“Then.. why are you staring at me…”
“I just realized… I ‘m lucky to get to know this other side of you…”
“Other side?”
I nodded and held his hand, intertwining our fingers. “Your soft side that you didn’t want anyone to know… but me…”
He looked down at our fingers, intertwining with each other then his gazed went up to my lips…