"Anong ginagawa mo dito... At paano mong nalaman itong address ko?" Nagtatakang tanong ko kay Jerome. Pero mas nakakapagtakang bakit may dala pa siyang bulaklak? At sa suot niyang puting long sleeves na tinupi ang manggas hanggang siko at pantalong itim. Parang siyang aakyat ng ligaw. "Tinanong ko kay Mama.." Humawak siya sa batok habang pailing-iling at namumula pa ang tainga. "Nagpaalam rin naman ako kay Tita Elvie na dadalawin kita at pumayag siya." Huh? Nagpaalam kay Mama? Bakit naman may pagpapaalam pang naganap? At hindi ba, dapat sa 'kin siya mismo nagtanong kung gusto ko bang nandito siya? Saka wala naman akong sakit para dalawin ako rito sa unit ko, ah? Nagsasalubong ang kilay ko na bumaba ang tingin sa hawak niyang bulaklak. Maganda ang arrangement ng bouquet. May pink, yell

