Nakatingala ako sa harap ng mga dress section ng walk-in-closet ko. I still can't believe that I have this though, but I know na hindi naman ako magtatagal. At ang nagpapabaliw pa sa akin kagabi pa ay 'yong date na sinasabi niya. Para din ba ito sa kaniyang image? Yes naman Katarina. Sa image niya 'yan, para may masabi siya sa media and magazines na happy life siya. He can lie anytime. And we are damn using each other. Hindi naman siguro ka niyaya niya para sa sarili niya. Bakit? Nag-assume ka ba self na may feelings siya sa 'yo? Come on! 2 years na ang nakalipas, you think Ashton is still madly in love with you? Napasabunot na lamang ako sa aking sarili at tumayo. Hinawi ko ang mga nakahanger na dress at napatiim bagang. He said he wants to see me beautiful. Napatango na lamang ako

