Naipukpok ko na lang ang ulo ko sa unan ng kwarto ko nang makauwi ako. After ko kasing kumain ay nagpaalam na ako sa kanya na uuwi na ako para kausapin ang Ate ko. Plano pa sana niya akong ihatid pero hindi ko hinayaan lalo na't hiyang-hiya na ako sa nagawa ko sa kanya. Ginulo ko ang sarili ko at pinokpok muli ang ulo. Sinadya niya ba 'yon? Ano ba ang gusto niyang mangyari at bakit sinabi niyang maganda ako? 'Di ko naman ipagkaila na may kagandahan din naman ako. Si Cheska nga ang pumupuri sa akin dati na gusto niya raw ang mata ko. Cat eyes at palaging galit ang mata kaya ang hirap ko rawng lapitan. Kaya nga ayaw ko sa mata ko eh. Pero nagustuhan ko na rin kasi same kami ng eyes ni Papa. Light brown tsaka strikta. Tsaka bakit niya sinabi na iisa lang kami ng kwarto at hug tight ko pa s

