Nang makita ko ang itsura ni Dave at ang namumuong luha sa kanyang mga mata bigla rin akong napatayo sa pagkakaupo at napatakbo bigla para sundan sya. Ni hindi ko na makita ang anino nya habang sinusundan sya, bakas na bakas talaga ang pagmamadali nyang makapunta sa tatay nya. Inasumme ko na na dun sya pupunta dahil tatay lang naman nya ang naka confine dito sa ospital. Pagkarating ko sa VIP room nakita ko si Dave sa labas ng pinto ng kwarto habang umiiyak ni hindi nya alam yung gagawin nya hindi sya mapakali at ang tanging magagawa nya lang ay umiyak sa sulok. May tumakbo pang isang nurse papasok sa kwarto kaya naman agad kong sinilip yung kwarto at nakita ko ang isang doctor at apat na nurse na para bang busing busy sa pag salba ng buhay ng tatay ni Dave. Nasa dulo ng hallway si Dav

