Chapter 5: housemate or slave?

1403 Words
May katapusan paba tong mga nilalabahan ko? Sobrang dami ng damit nila! Parang hindi nauubos! Pano sila nakakasurvived kung hindi sila naglalaba! "Wala bang naglalaba sainyo Dave?" Out of the blue bigla kong naitanong. "Dati meron, yung part time kasambahay namin. Pero matagal na syang umalis eh mag half a year narin." Wwwwwhhhaaaaaat!!!!!?????? "So after nun, wala ng naglalaba? Kahit kayo?" "Uhm, di kami marunong maglaba eh, ayaw rin naming masira yung kamay namin dahil sa sabon." Seryoso ba sila? Dyusko ang puso ko. Feeling ko hihimatayin ako sakanilang tatlo. Bakit hindi nalang sila mag hire nalang ulit ng taga laba nila!!!! "Anong ginagawa nyo pag wala na kayong masuot?" "Bumibili nalang kami ng bagong damit o kaya sinusuot nalang namin yung mga damit dyan na okay pa. Hahaha" bakit parang proud na proud pa sya!!!???? Hindi sila marunong magluto, hindi sila marunong maglaba dahil ayaw nila sa sabon? Ibig sabihin hindi rin sila naghuhugas ng mga plato at kutsara pag ginagamit nila?! Pero malinis naman yung kitchen eh nahugasan ko naman yung mga plato, baso at mga kutsara't tinidor. Malapit nakong matapos sa mga damit ni Dave pero bakit nandito parin silang tatlo nakatambay? Pwede naman silang umupo sa living room o manuod ng TV, baka iniisip nila aamuyin ko or kukunin ko yung underwear nila? Eeew hindi naman ako ganun. "Zeus, yung mga damit mo ilabas mo na para malabahan narin natin." Sabi ko sa malambing na boses para naman maayos yung sagot nya. "Ayaw." Aaarrrggghhh! Babatuhin ko na sya ng sabon! Pigilan nyo ko.!!!!!! Malamang kung ganito karami yung mga maruruming damit nitong dalawa ganun din tong kay Zeus. "Saan yung kwarto ni Zeus?" Tanong ko kay Dave na agad naman nyang sinagot. "Di mo ba alam? Magkatabi kayo ng kwarto." Pagkasabi ni Dave agad kong binitawan yung hawak kong damit at nagtungo sa kwarto ni Zeus. "San ka pupunta!?" Sabi ni Zeus na agad naman sumunod sakin. "Hayaan mo na Zeus para sayo rin naman yan." Narinig ko pang sigaw ni Dave. Nang malapit nako sa pintuan ng kwarro ni Zeus agad syang tumakbo at humarang sya sa pinto. "Anong ginagawa mo?!" Bakit parang kinakabahan sya?! "Lalabahan ko na yung mga damit mo! Alam ko marami karing labahan!" Sabi ko sakanya, bakit ba nagkakaganito sya samantalang yung dalawa kalmado lang at chill chill lang sa baba. "Ayoko." Sabi nya sabay iwas ng tingin sakin. Huminga ako ng malalim sabay tinulak ko sya ng dahan dahan papalayo sa pinto ng kwarto nya para buksan ito. alam ko muka nakong pakilamera sa lagay nato pero para sakanya rin naman yung gagawin ko, sya rin yung mahihirapan pag hindi pa nalabahan yung mga damit niya, biruin mo bumibili sila araw araw ng damit para may masuot? Pano yung mga uniform nila? Kaya ba bilang na bilang yung mga galaw nila para hindi sila pag pawisan at magamit pa nila ulit yung uniform nila? Eeewww. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto nya agad akong pumasok, wala ng nagawa ni Zeus. Bakit feeling ko Nanay nya ko? Hahaha nanay talaga? Tatay? Hahaa magulang nalang. Maayos naman yung kwarto nya wala akong nakikitang maduduming damit nya, mali ata ako? Baka naglalaba sya? Mukang marunong naman sya maglaba baka kaya ayaw na nya akong umakyat dito. Tumalikod nako at ngayon nakaharap nako palabas ng kwarto nya at nakita ko ang matangkad na lalaking nakatayo sa harap ng pintuan na nakahawak sa ulo nya. Parang hiyang hiya sya. "Okay nama----- waaaaaaaaaaaAAAAAAHHHHHH!!!" Nanlaki yung mga mata ko sa gulat ng makita ko yung tumpok nyang damit na nakatambak sa likod ng pintuan nya! Kaya pala hindi ko nakita kanina! Dyusko yung puso ko! Wala na sila talagang pag-asa. Ano nalang gagawin nila kung hindi pako nakalipat dito at hindi pa nalalabahan tong mga damit nila! Tumingin ako ng masama kay Zeus at agad nyang iniwas yung tingin nya. Hiyang hiya yung itsura ng mukha nya. That's new! Usualy expressionless yung mukha nya. Kumuha ako ng mga damit nya na makakaya ng mga kamay ko para dalhin sa baba. Pero infairness kahit pa na madudumi na yung mga damit nila mababango parin yung amoy! Unfair naman! Samantalang ako magamit ko lang ng dalawang araw yung damit ko amoy kalaban nako! "Ibaba mo na lahat yan sa baba ng malabahan narin." "Uhm." Sagot nya. Sabay lumabas nako ng kwarto nya at bumaba para ipagpatuloy yung mga labahan naman ni Dave. Dyusko bakit pakiramdam ko mga bata patong mga kasama ko sa bahay at walang kaalam alam sa gawaing bahay, ganun ba sila kayaman? Parang normal na tao lang naman sila ang lamang lang nila ay mga gwapo sila. Tapos ko ng labahan at isampay yung mga damit ni Dave at sinisimulan ko ng labahan yung mga damit ni Zeus, goodluck sa bill namin sa tubig anyway hindi naman ako magbabayad nun kasi all in naman na yung 3k dun sa kwarto na inuupahan ko. "Ahhhh... Paulo, hindi paba tayo kakain? Nagugutom na kasi si Rad." Sabi ni Dave na parang nahihiya hiya pa. "Bakit ako!?" Kontra ni Radcliff. Siniko ni Dave si Radcliff ng patago at tumingin sya ng masama sa cute na lalaki sabay tingin sakin ng nakangiti, akala mo naman hindi ko nakita yung ginawa nya kay Rad. "Sige, kain na kayo. Tapusin ko lang to." Sabi ko sakanila habang nilalagay yung 3rd batch ng mga damit ni Zeus. Speaking of Zeus tahimik lang sya habang nagbabasa ng libro. Nag aaral ba sya o nagbabasa lang ng Novel? Teka!!!! Diba dapat nag aaral nako sa mga oras nato!? Bakit parang yaya na nila ako!!? "Ahmmm... Ano kasi Pau... ahmmm... wala pa kasing pagkain.. hehe." Nahihiyang sabi ni Dave. Halos mapunit ko yung damit na hawak ko ng marinig ko yung sinabi ni Dave, mygad tulungan nyo nga ako! Dyusko yung puso ko hindi na kakayanin tong tatlong to. Humarap ako sakanila at ngumiti ako. "Okay, okay sige magluluto nako para makakain na kayo." Sabi ko sabay mabilis na nilagay lahat ng damit ni Zeus sa washing machine para sa 3rd batch sabay pumunta ako sa kusina para magluto, binuksan ko yung ref at nag isip ako ng mabilis lang na maluto na ulam. Nagulat naman ako ng nagsunuran silang tatlo sakin sa kusina at umupo agad sila sa dining table habang busy parin sila sa kani-kanilang ginagawa. Yung isa nag ce-cellphone, yung isa naglalaro ng switch at ang pinakamatangkad naman sakanila nagbabasa ng libro. Dyusko hindi ko na ata kakayanin to! Mabilis akong nagbalat ng labanos at hinugasan ko yung mga pechay at iba pang kailangan para sa sinigang, nilabas ko narin yung bangus na isda na galing sa ref at binabad ko sa tubig para matanggal yung lamig nito. Naghihiwa nako ng sibuyas at bawang ng mahulog yung kalahati ng sibuyas sa sahig kaya naman agad akong yumuko at kinuha yung kalahati pero... Ano tong nasa ilalim ng lababo? Kurtina lang ang harang nito pero bakit parang iba yung pakiramdam ko. Hinawi ko yung kurtina at tumambad sakin ang maraming gamit na plato, kutsara't tinidor pati baso. "AaaaaaaHHHhhhHHHHHH!!!!!!" "Bakit anong problema!?" Sigaw din ni Dave na nagulat sa sigaw ko. "Ano to!!!!!! Bakit andito yung mga plato? Bakit nakatambak dito!!!!???" Sigaw ko sa sobrang gulat. "Ahhhh.. ayan ba? Hehe wala kasing marunong maghugas samin, pag naghuhugas kami nababasag lang kaya tinabi nalang namin dyan. Hehe" paliwanag ni Dave, bakit feeling ko parang proud pa sya. "Seryoso!? Eh ano tong mga to?" Tinuro ko yung mga gamit na malinis na nasa lalagyanan ng mga plato. "Ahh mga bago yan don't worry." "Bago?" "Oo, bumibili nalang kami para hindi hassle?" "Ha?" Sasabog na ata ako i can't stand them!!!!!!! Ginawa nilang disposable yung mga baso at plato nila pati yung mga kutsara't tinidor nila. Hindi ko na sila kinakaya ayoko na dyusko yung puso ko!!! Hindi ko alam kung likas na tamad lang sila sa gawaing bahay o walang mapag gamitan ng pera o talagang sinasadya lang nilang inisin ako. Ohmygad!!! Hindi ko kinakaya to. Yung puso ko!!!! Buti kahit maraming nakatambak dito hindi sila iniipis o dinadaga!? Arrghhh ayoko ng isipin kung bakit!!! So 3 in 1 ako ngayon, nagluluto, naghuhugas ng plato at naglalaba! :( kung alam lang ng mga fans nila kung anong sasapitin nila pag nakasama nila tong tatlong to sa iisang bahay sure ako magbabago lahat ng pagtingin nila sa tatlong to. Saktong sakto talaga yung bansag ko sakanila na 3 annoying men. Nakakainis!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD